Ogie Diaz, pagod na raw magalit; "I cannot please everybody"

Ogie Diaz, pagod na raw magalit; "I cannot please everybody"

- Ibinahagi ni Ogie Diaz kung paano niya dinadala ang ibinabato sa kanya ng kanyang mga bashers

- Sa panayam niya kay Joey Marquez, natanong siya ng aktor kung siya ba ay mayroon ding mga kinagagalitan

- Diretsa naman itong sinagot ni Ogie at sinabing pagod na umano siyang magalit at sinsisikap na unawain ang sitwasyon upang hindi na magalit

- Sinabi rin niyang sinisikap niyang magpakabuti hindi lamang para sa sarili kundi lalo na para sa kanyang mga anak na nagdadala ng kanyang apelyido

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang makabuluhang usapan ang ibinahagi ni Ogie Diaz kasama ang isa sa pinakamalalapit na tao sa kanya sa showbiz na si Joey Marquez.

Nalaman ng KAMI na bilang sila ay malapit sa isa't isa mula nang magkasama sila sa sitcom na "Palibahasa Lalake", komportableng naitanong ni Joey kay Ogie kung nagagalit pa ba ito lalo na kung naaakusahan o napapagbintangan.

Read also

Namayapang jeepney driver, inisip pa rin ang mga pasahero bago mawalan ng malay

"Pagod na akong magalit," sagot ni Ogie.

Ogie Diaz, pagod na raw magalit; "I cannot please everybody"
Photo: Ogie Diaz
Source: Instagram

"Iniintindi ko kung saan nanggagaling 'yung galit para mas maintindihan ko," dagdag pa ng komedyante.

Sa kabila raw ng kanyang edad na 51, sinisikap niyang habaan ang kanyang pasensya at maunawaan ang sitwasyon maiwasan lamang niya na siya ay magalit.

Nasasanay na rin umano siya sa kontrobersiya at nilarawan pa niya ang kanyang sarili na 'bugbog' na sa mga bashers niya.

Ipinaliwanag niyang hindi na niya iniintindi pa ang mga 'di kagandahang nasasabi ng iba lalo na iyong mga taong hindi naman siya kilala.

Subalit aminado siyang naaapektuhan kung ang nakapagsalita ay taong malapit sa kanya.

Isa rin sa mga naibahagi ni Ogie ay ang pagsusumikap niyang maging isang mabuting tao para sa kanyang mga anak na siyang nagdadala ng kanyang apelyido.

"Kung maganda 'yung reputasyon mo o 'yung karakter mo, 'Tatay mo ba 'yun si Ogie Diaz? opo, bait ng tatay mo, 'di manlang ako nakabawi sa kanya," paliwanag ni Ogie na mayroong limang mga babaeng anak.

Read also

Officemates, pinakyaw ang mga "habi bags" ng lalaking gumagawa nito sa gilid ng kalsada

Narito ang kabuuan ng masaya at puno ng aral nilang naging usapan ni Joey Marquez:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ogie Diaz ay isang comedian at talent manager. Isa na rin siya ngayon sa mga itinuturing na mahuhusay na content creator sa bansa sa kanyang YouTube Channel na 'Ogie Diaz' kung saan mayroon na siyang 2.03 million subscribers.

Sa unang bahagi ng panayam ni Ogie sa kaibigan niyang si Joey Marquez, naikwento ng aktor ang kanyang mga napagdaan bago niya pasuking ang showbiz.

Nabanggit din niyang sa 16 niyang mga anak, lahat ng mga ito ay pawang pantay-pantay sa kanyang pagmamahal at atensyon gayundin sa matatanggap umano ng mga ito na nakasaad na sa 'last will and testament' ni Joey.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel