Joey Marquez, sinuguradong may bahagi na ang 16 na anak sa kanyang 'Last will'

Joey Marquez, sinuguradong may bahagi na ang 16 na anak sa kanyang 'Last will'

- Wala na raw balak pang dagdagan ni Joey Marquez ang kanyang 16 na mga anak

- Nabanggit din niyang lahat ng pangalan ng mga ito ay nasa 'last will and testament' na niya

- Nilinaw niyang pantay-pantay ang makukuha ng kanyang mga anak na malalapit talaga sa kanya

- Naikwento rin niya na hindi 'uso' sa mga ito ang 'half-brother o half sister' dahil lahat ng mga ito ay parang isa rin ang ina kung magturingan sa isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayaw nang dagdagan pa ng batikang aktor na si Joey Marquez ang 16 niyang mga anak.

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naitanong sa kanya ni Ogie Diaz sa pinakabagong vlog nito sa kanyan YouTube channel.

Desidido na si Joey na huwag nang magkaroon pa ng anak sa edad niya ngayon na 60. Aniya, kawawa ang magiging bata dahil hindi na marahil niya maaabutan pa ang paglaki nito.

Read also

Zeinab Harake, proud mommy sa matalino niyang anak na si 'Lucas'

Joey Marquez, wala nang balak dagdagan ang 16 na anak; Kasama na lahat sa kanyang 'Last will'
Photo: Joey Marquez kasama ang kanyang pamilya (@tsong_marquez)
Source: Instagram
"Medyo unfair na sa bata, baka pag-ten years old na eh otsenta na ako."
"Baka hindi ko na abutin 'yung pagkabinata niya, pagkadalaga kasi gusto ko kasi maabot ko pa ang mga apo ko"

Kinumpirma rin ni Joey na ang lahat ng kanyang mga anak ay nasa kanya poder.

Sinasabihan na rin niya ang kanyang mga nakaka-relasyon na huwag na huwag na makikipagkompetensiya sa kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Hindi ko sila pwedeng ipagpalit kahit kanino"

Isa rin sa mga labis na ipinagmamalaki ni Joey ay ang trato ng kanyang mga anak sa isa't isa.

Hindi raw 'half-brother o half sister' ang turingan ng mga ito kundi magkakapatid na hindi lamang ama ang pinagpareho kundi parang ang kanila na ring mga ina.

Nakahanda na rin umano ang kanyang 'last will and testament' para sa mga anak. Nilinaw niyang pantay-pantay din ang matatanggap ng mga ito na mula sa kanyang ipon sa ilang taon niya sa industriya ng showbiz.

Read also

OFW, ibinahaging na-ospital ang anak na nasobrahan umano sa mobile games

Si Joey Marquez ay nakilala bilang isa sa cast ng sitcom na Palibhasa Lalake na tumagal ng 12 taon sa ere mula 1987. Kabilang sa mga kasamahan niya sa nasabing sitcom ay sina Richard Gomez, Gloria Romero, Cynthia Patag, Amy Perez, Carmina Villaroel, at Apa Ongpin.

Sa panayam na ito ni Ogie Diaz kay Joey, isa rin sa mga naikwento niya ay ang pagiging janitor niya sa edad na 14.

Naisipan niyang pasukin ito sa pagnanais na makatulong sa kanyang ina na isang single mom. Marami sa mga kasamahan niya ang nagtaka kung bakit siya isang janitor samantalang kilala nang producer ang kanyang ama na si Artemio Marquez Sr. Pinili niyang i-deny ang ama hindi para sa sarili kundi para hindi raw ito mapahiya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel