OFW, ibinahaging na-ospital ang anak na nasobrahan umano sa mobile games
- Viral ngayon ang post ng isang ina na labis na nag-aalala sa kalagayan ng anak na na-ospital
- Ang nakikitang dahilan umano nito ay ang labis na paglalaro ng mobile games
- Hindi raw ito maayos na nakakain at madalas din daw umanong napupuyat
- Hanggang sa dumating ang araw na nanigas ang mga binti nito at hindi na makagalaw
- Magsilbing aral daw ang kanyang post lalo na sa mga kabataan at unawain sana ng mga ito ang pananaway ng mga nakatatanda sa kanila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena ngayon sa social media ang sinapit ng isang dalagita na labis umanong nalulong sa paglalaro ng mobile games.
Ayon mismo sa ina nitong overseas Filipino worker na may Facebook name na Makulitz Makulitz, hindi raw niya inakala na mangyayari ito sa kanyang anak na dati'y sa Facebook lamang daw niya nakikita.
Kwento ng ina, na-obserbahan na raw nila ang labis na paggamit ng gadget ng kanyang anak. Nagtatampo naman daw ito pag kanilang nasasabihan.
"Makinig ka naman para sa'yo rin yan. 'Wag ka magtatampo, OK lang mag-cellphone 'wag lang sobra 'nak! Tingnan mo nangyari sa'yo.Tama na pag-gadget at games 'nak"
Ang masakit pa umano sa kalooban ng ina ay malayo raw ito sa anak kaya labis-labis ang kanyang pag-aalala.
Nanigas umano ang katawan ng anak na bumaba ang potassium. Naapektuhan daw ang mga buto nito dala ng wala halos na matinong tulog.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Maging ang pagkain nito ay kinukulang din dahil madalas na nakatutok ito sa kanyang paglalaro.
Hanggang sa bigla na lamang daw itong natumba at nanigas na para umanong na-stroke at talagang hindi na raw kinaya ng dalaga ang kanyang katawan.
Ibinahagi ito ng OFW upang magsilbing aral sa mga kabataan at maipakita sa mga nakatatanda ang kahalagahan ng paggabay sa mga anak o alaga lalo na pagdating sa wastong paggamit ng gadget.
"Sa mga nag-PM kung pwede raw pong i-share ang post ko, sige lang po para magsilbing aral sa mga kabataan na nahihilig sa gadgets. Mga bata, makinig kayo sa mga matatanda, para rin naman sa ikakabuti niyo iyan"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang ilang beses nang naiulat ng KAMI ang mga sinapit ng ilan pang kabataan na nasobrahan ng paggamit ng mga gadgets.
Ang ilan pa sa mga ito, hindi na naagapan at binawian pa ng buhay. Maging daan sana ito upang mas maipaliwanag sa mga kabataan ang maari nilang sapitin kung hindi nila mismo madidisiplina ang kanilang sarili sa sobrang paglalaro at pagbababad sa anumang uri ng gadgets.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh