Ama sa malaking portrait na likha ng anak, muling isusurpresa sa Father's Day

Ama sa malaking portrait na likha ng anak, muling isusurpresa sa Father's Day

- Isang proyekto na naman ang ibabahagi ng nag-viral na artist na noo'y nagbigay pugay sa kanyang ama

- Noong Pebrero, ginawan niya kasi ito ng malaking portrait bilang regalo sa 74th birthday nito

- Labis ang respeto niya sa ama na naitaguyod silang magkakapatid sa pagiging isang magsasaka

- Sa darating na Father's Day, isa na namang surpresa ang ihahandog niya sa ama na tiyak na ikatutuwa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan nang nag-viral ang artist na si Nestor Abayon Jr. dahil sa malaking portrait na ginawa niya para sa kaarawan ng kanyang ama noong Pebrero.

Nalaman ng KAMI na ngayong Father's Day, isa na namang proyekto ang kanyang ginagawa bilang regalo sa kanyang pinakamamahal na ama.

Kwento ni Nestor Jr., ang kanyang ama ang naghubog sa kanya sa pagpipinta.

Viral artist na gumawa ng malaking portrait ng ama, pinaghahandaan naman ang Father's Day
Photo: si Nestor Abayon Jr. kasama ang kanyang ama (Nestor Abayon Jr.)
Source: Facebook

Bata pa lamang daw siya ay suportado na siya ng ama mga gamit sa art.

Read also

Sa tulong ng suki; Balut vendor, nabiyayaan ng pera at motorsiklo

Sobrang sipag daw ng kanyang ama na pawang pagsasaka ang pinagbubuhay sa kanilang walong magkakapatid.

Lima na ang nakapagtapos kasama si Nestor habang tatlo ang nag-aaral pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bagaman at nakapagtapos si Nestor ng Marine Engineering, full time artist na siya ngayon na kumikita ng nasa Php23,000 kada obra na ginagawa.

At dahil ang kanyang ama ang "naghasa ng kanyang lapis" mula noong siya ay bata pa, naisipan niyang magbigay pugay muli dito.

Sa panayam sa kanya ng Philippine Star, naibahagi niya na isang surpresang proyekto ang ginagawa niya para sa ama sa pagdiriwang ng Father's Day sa darating na linggo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nag-viral din ang post ng isang fresh grad na nagbigay pugay sa kanyang ama na balut vendor. Labis niya itong pinasasalamatan lalo na ito ang nagsumikap na igapang ang pag-aaral niya sa kolehiyo.

Read also

Babaeng online gamer, ibinenta ang motor ng ama para sana makipagkita sa kanyang 'crush'

Gayundin ang appreciation post ng isang anak sa kanyang ama na noo'y kasama niya sa pagtatrabaho. Labis daw niyang ipinagpapasalamat ang araw at oras na iyon na tila naging "bonding day" nilang mag-ama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica