Sa tulong ng suki; Balut vendor, nabiyayaan ng pera at motorsiklo
- Isang balut vendor sa Cavite ang nasurpresa nang makatanggap ng mga biyaya sa tulong ng kanyang suki
- Kilalang masipag at masayahin ang vendor kaya naman hindi kataka-takang marami sa kanyang suki ang nagmamalasakit sa kanya
- Lumang bisikleta na umano ang gamit ng vendor sa pagtitinda kaya naisipan ng suki na mabigyan ito ng bagong magagamit
- Isang negosyante ang nagbigay ng motorsiklo at tulong pinansyal sa balut vendor bilang malapit na ang Father's day
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Walang pagsidlan ng labis na kaligayahan ang isang balut vendor sa Rosario, Cavite nang makatanggap siya ng hindi inaasahang biyaya.
Nalaman ng KAMI na dahil sa kabaitan ng vendor na si Raymond Malandras, mayroong nagmalasakit at gumawa ng paraan na masurpresa siya bilang advance "Father's Day" gift sa kanya.
Walong taon nang balut vendor si Raymond. At dahil sa kanyang kabutihan at pagiging masayahin, marami na rin siyang naging suki.
Isa na rito si Mike Evander Presa, na tagapamahala ng JDP Motorparts. Kwento ni Mike, alam daw niya ang hirap at sakripisyo ni Raymond sa paghahanapbuhay para sa kanyang misis at dalawang anak.
Lumang bisikleta na raw kasi ang gamit ni Raymond sa paglalako nito ng balut penoy, pugo, mani, at crackers habang nililibot ang kanilang lugar.
Kaya naman naisipan ni Mike na kausapin ang isa niyang kaibigang negosyante na si Renz Marlon Mateo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Dahil kay Renz, natulungan nila ni Mike si Raymond na magkaroon ng Honda Wave Dash.
Napag-alaman din nilang nagda-dialysis ang misis ng vendor kaya naman dinagdagan pa nila ang tulong dito at inabutan din siya ni Renz ng Php10,000.
"Sana makatulong ang motor na yan sa kanyang paglalako ng balot at yang halagang 10k ay kahit papano ay makatulong sa kanyang asawang may sakit," pahayag ni Renz na masayang nakatulong sa masipag na padre de pamilya na si Raymond.
Labis-labis din ang pasasalamat ng vendor sa kanyang maagang "Father's Day" gift na natanggap.
Narito ang post na ibinahagi rin ni Epipanio Delos Santos Avenue:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan lang ay nag-viral ang post ng isa namang anak ng balut vendor na super proud sa kanyang ama.
Ang balut vendor niyang ama kasi ang naging daan upang makatapos siya ng kolehiyo.
Gayundin ang nag-viral na naglalako ng mga 'scrunchies' o panali sa buhok. Mas lalo itong hinangaan nang isiwalat pa ng kanyang anak na napagtapos silang apat ng kanyang ama ng kolehiyo dahil sa kasipagan nito sa pagtitinda.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh