Nag-viral na amang napagtapos ang 4 na anak sa pagtitinda, hinangaan

Nag-viral na amang napagtapos ang 4 na anak sa pagtitinda, hinangaan

- Labis na hinangaan ang isang ama na matiyagang naglalako ng scrunchies o mga panali sa buhok sa Monumento

- Isang netizen ang nakapansin sa tindero dahil sa mga makukulay nitong paninda.

- Nang mag-viral ang post, nagpadala ng mensahe ang isa sa mga anak ng tindero sa uploader

- Sinabi nitong napagtapos silang apat na magkakapatid sa kolehiyo dahil sa paglalako ng ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng papuri ang isang ama na si Geronimo Tolibas matapos nitong mag-viral dahil sa post na naibahagi ni Karissa Mae Nievera.

Kwento ni Karissa, napansin siya si Tatay Geronimo dahil sa mga paninda nitong 'scrunchies' o mga panali sa buhok.

Ayon pa kay Karissa, bukod sa makukulay ang paninda ni Tatay Geronimo, maganda rin ang kalidad nito sa halagang Php10 ang isa.

Nag-viral na amang napagtapos ang mga anak sa paglalako ng 'scrunchies', hinangaan
Mga anak ni Tatay Geronimo na kanyang napagtapos ng kolehiyo (Karissa Mae Nievera)
Source: Facebook
"If you get a chance to go to Monumento in the morning please buy some of his scrunchies so that he'll get home early and enjoy the time with his family."

Read also

Sunshine Dizon, puring-puri ang dating asawa sa pagiging tatay sa anak nila

At matapos ngang mag-viral ang post ni Karissa, nagpasala ng mensahe ang isa sa mga anak ni Tatay Geronimo.

Bukod sa na-appreciate umano nito ang pagpo-post na ginawa ni Karissa, naikwento nito na napagtapos pala silang apat na magkakapatid dahil sa paglalako ng maispag nilang ama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Napagtapos po kaming lahat dahil sa pagtitinda-tinda ni Papa, sabay-sabay kami nung college"

Dahil dito, mas lalo ang dumami ang humanga sa ama dahil sa pagtataguyod nito sa mga anak at masiguro ang kanilang edukasyon.

"Happy Father's Day to all of our hardworking Superman! We love you!", ang pagbati pa ni Karissa bilang nalalapit na ang pagdiriwang ng Father's Day.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Xian Lim, hindi kinaya ang alon nang mag-jet ski sila ni Kim Chiu

Kamakailan, nag-viral din ang isang balut vendor na napagtapos ang kanyang anak sa kolehiyo.

Super proud naman ang kanyang anak na hindi raw magagawang makapag-kolehiyo kung hindi dahil sa kasipagan ng kanyang ama.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Gayundin ang isang fresh grad ng kolehiyo na sa kabila ng pagkakaroon ng stage 5 na ang kanyang Chronic Kidney Disease ay nagawa at kinaya pa rin na magtapos ng pag-aaral kaya naman umani talaga ito ng papuri sa mga netizens na nakabasa ng kwento ng buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica