Lalaking may stage 5 Chronic Kidney Disease, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo
- Marami ang humanga sa 24-anyos na college student na nakapagtapos pa rin ng pag-aaral sa kabila ng kanyang karamdaman
- Stage 5 na ang kanyang Chronic Kidney Disease ngunit hindi ito nakapigil sa kanya para maka-graduate
- Sumasailalim pa siya sa dialysis treatment tuwing umaga bago siya magklase sa buong apat na taon niya sa kolehiyo
- Ibinahagi niya ang kanyang kwento upang ma-inspire ang mga mag-aaral na tulad niya na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng napakaraming pagsubok
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Labis na hinangaan ng marami ang katatagang ipinakita ng fresh graduate na si Arnold Morales na sa kabila ng kanyang karamdaman ay napagtagumpayan pa rin niya ang makapagtapos.
Nalaman ng KAMI na stage 5 na ang kanyang Chronic Kidney Disease subalit patuloy pa rin siya sa pag-aaral hanggang sa siya na nga ay maka-graduate.
Kwento ng 24-anyos na si Arnold, sumasailalim siya sa dialysis treatment sa umaga at matapos nito ay dumadalo siya ng klase.
Buong tapang niya itong nagagawa sa loob ng apat na taon na pag-aaral niya sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at the Tayabas Western Academy in Candelaria, Quezon. At nito lamang Hunyo 5, natanggap na niya ang kanyang diploma.
Inspirasyon ang dala ni Arnold sa kanyang post kung saan makikita ang kanyang toga picture.
Kinaya ko, kakayanin mo!
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sinabing kidney transplant sana ang makapagpapabalik ng normal na takbo ng buhay ni Arnold subalit hindi raw ito kayang tustusan ng kanyang pamilya. Kaya naman patuloy na muna siyang nagda-dialysis.
Gayunpaman, ang mga ngiti sa kanyang larawan ang ebidensya ng patuloy niyang paglaban sa mga pagsubok na kinakaharap niya sa buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan ay nag-viral din ang isang jeepney driver na nakapagtapos na rin ng kolehiyo sa kabila ng kanyang pamamasada.
Ito raw kasi ang paraan upang makatulong siya sa kanyang mga magulang at matustusan ang kanyang pag-aaral.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Gayundin ang isang college graduate na super proud sa kanyang ama na balut vendor. Nakatapos umano siya sa kolehiyo dahil sa kasipagan ng kanyang ama.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh