Long Mejia, inalala ang kanyang naging buhay bago makapasok sa showbiz

Long Mejia, inalala ang kanyang naging buhay bago makapasok sa showbiz

- Ibinahagi ni Long Mejia ang kanyang naging buhay bago pa siya nakapasok sa mundo ng showbiz

- Maaga umano siya naulila sa ama kaya hindi siya nakatapos ng kanyang high school at nagtrabaho siya nang maaga

- Tumulong siya sa kanyang nanay sa pagtitinda sa pamamagitan ng paglalako ng kurtina ng jeep

- Kasabay nito ay pinasok na din niya ang pagiging barker para pandagdag na rin sa kanyang kita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam ng kolumnista at talent manager na si Aster Amoyo, ibinahagi ni Long Mejia ang kanyang buhay bago pa siya nakilala bilang isa sa kinagigiliwang komedyante sa bansa.

Long Mejia, inalala ang kanyang naging buhay bago makapasok sa showbiz
Screenshot from TicTALK with Aster Amoyo YouTube Channel
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa maagang pagpanaw ng kanyang ama, hindi na siya nakatapos ng kanyang pag-aaral. Kinailangan niyang magtrabaho para matulungan ang kanyang ina.

Read also

Vice Ganda, inamin kay Ogie Diaz na madalas siyang 'umiiyak'

Nagtinda siya ng kurtina para sa jeep at inilako niya ito. Pinasok niya rin ang pagiging barker upang pandagdag na rin sa kanyang kinikita.

Aniya, nang minsang mapanood niya sa telebisyon ang patimpalak kung saan inanyayahan ang mga magaling magpatawa na gumawa ng kanilang script. Sumali siya doon at nanalo siya. Kasunod noon ay naging regular na siya sa nasabing palabas.

Doon na nagsimula ang kanyang showbiz career. Nang sabihin niya sa ina na titigil na siya sa pagtitinda at mag-aartista na siya, nagulat umano ang nanay niya at ayaw maniwala.

Panuorin ang kabuuan ng panyam dito:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Long Mejia ay komedyanteng nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng ilang comedy shows kagaya ng Kool Ka Lang, OK Fine Whatever, Home Along Da Airport at marami pang iba. Naging bahagi din siya ng Sunday noontime show na Sunday PinaSaya.

Read also

Estudyanteng iginapang ang pag-aaral sa paglalako ng chicharon, college graduate na

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kasalukuyan, napapanood siya bilang isa sa cast ng show na John en Ellen na pinagbibidahan nina John Estrada at Ellen Adarna.

Nakasama rin siya kamakailan ni Luis Manzano sa kanyang online show na Lucky ng Tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel