Vice Ganda, inamin kay Ogie Diaz na madalas siyang 'umiiyak'

Vice Ganda, inamin kay Ogie Diaz na madalas siyang 'umiiyak'

- Sa panayam ni Ogie Diaz kay Vice Ganda, aminado ang komedyante sa madalas niyang pag-iyak kamakailan

- Nailahad din niya ang mga naging epekto sa kanya ng pandemya na siyang dahilan din ng kanyang kalungkutan

- Isa umano siya sa mga taong talagang sineseryoso ang COVID-19 kaya naman matinding pag-iingat ang kanyang ginagawa hindi lang para sa sarili kundi para sa kanyang mga mahal sa buhay

- Dumating din sa punto na sa tindi ng takot niya na mahawa sa virus, inakala niyang hindi na umano siya magaling at epektibong host

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umamin kay Ogie Diaz si Vice Ganda na madalas siyang "umiiyak" kamakailan. Sa panayam ni Ogie sa kanyang dating alaga, idinetalye ni Vice ang mga naging epekto rin sa kanya ng pandemya.

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng pagbibigay saya ni Vice sa kanyang mga shows, aminadong nakararamdam siya ng lungkot sa mga nangyayari.

Read also

Joel Cruz, tinuturuan ang mga anak ng mga gawaing bahay

Vice Ganda, inamin ang madalas na pag-iyak sa kabila ng pagbibigay saya sa kanyang mga shows
Photo: Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Isa sa mga nakikita niyang dahilan ay ang pagseseryoso niya sa COVID-19. Hindi umano siya lumalabas ng basta sa kanilang bahay dala ng pag-iingat.

Ipinaliwanag niyang natatakot siyang magkasakit dahil marami ang mga taong nakapaligid sa kanya na maaring maapektuhan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dumating pa sa punto na aminado si Vice na hindi umano siya nakapagtrabaho ng maayos dala ng takot sa virus.

Bagaman at binigyang puri pa rin ang kanyang hosting skills ng kanyang mga boss, pakiramdam niyang hindi niya naibigay ang lahat ng nararapat niyang gawin tulad ng dati.

"Sa sobrang ka-praningan ko, natapos 'yung episode feeling ko talaga hindi ako magaling"

Malaki rin ang epekto ng hindi niya paglabas at ang limitadong pakikisalamuha sa ibang tao.

"Ito 'yung effect sa akin ng pagkakakulong ko... Kung kani-kanino ako chumichika, nagba-volleyball ako sa iskwater, 'di ba ng hanggang alas dos, gigimik ako magka-clubbing ako iba rin ang grupo ko. Ang dami kong pulot, ngayon wala na akong pulot."

Read also

Buboy Villar, walang pagsisi na maaga siyang naging tatay

At mas lalong hindi na napigilan ni Vice ang maging emosyonal nang mailahad na niya ang talagang dahilan ng kanyang madalas na pag-iyak.

"I want to feel good about myself," bungad ni Vice habang pinipigilan ang kanyang luha. Naikwento rin niya ang kanyang tweet na "When u feel GANDA, u feel SAYA."

Iyon daw kasi ang nais niyang maipadama sa mga contestants ng 'ReINA ng Tahanan' sa It's Showtime. Subalit habang ipinararamdam niya ito sa iba, iyon naman umano ang kulang sa kanyang sarili.

"And then I realized na binibigay ko sa ibang tao 'yun tapos lacking pala sa akin 'yun."

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Ivana Alawi, may 13 million subscribers na sa YouTube; namahagi ng biyaya

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Kamakailan, ibinahagi Vice na talagang napaaway siya noon sa Hong Kong dahil sa pagtatanggol sa kaibigang si Anne Curtis.

Tuwang-tuwa rin sa kanya ang mga netizens nang mapanood ang bahagi ng "It's Showtime" kung saan naikwento ng kanyang partner na si Ion Perez na nahihilo umano ito kapag siya ay natatalakan ng sikat na komedyante.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel