Buboy Villar, walang pagsisi na maaga siyang naging tatay

Buboy Villar, walang pagsisi na maaga siyang naging tatay

- Wala umanong pinagsisihan si Buboy Villar na naging ama siya sa kanyang murang edad

- Kahit maaga siyang naging tatay, masaya umano siya na nabiyayaan siya ng dalawang anak

- Marami man umano siyang hindi nagawa noong bata siya, magagawa naman iyon ng kanyang mga anak

- Pangarap niya umano para sa kanyang dalawang anak na makapagtapos ng kanilang pag-aaral dahil hindi niya iyon natupad sa kanyang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maitago ng kolumnista at talent manager na si Aster Amoyo ang kanyang pagkamangha sa pagiging mature ng pag-iisip ng 22-anyos na si Buboy Villar nang makapanayam niya ito.

Ani Buboy, wala siyang pagsisi kahit maaga siyang naging ama dahil masayang masaya siya sa pagiging tatay sa dalawang anak nila ni Angillyn Gorens.

Buboy Villar, walang pagsisi na maaga siyang naging tatay
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Claudine Barretto, sinabing si Raymart Santiago ang kanyang "favorite mistake"

Pangarap niya umano para sa kanilang mga anak na makapagtapos ang mga ito ng pag-aaral. Gusto niya umano na gawin ng kanyang mga anak ang magpapasaya sa kanila habang sila ay lumalaki at lagi lang siyang nakasuporta sa mga ito.

Malaki din ang pasasalamat niya sa foster parent ng dating kasintahang si Angillyn dahil ito umano ang nag-aalaga sa kanilang mga anak kaya siya nakakapag-hanap-buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

William Martinez, 11 taon nang mag-isa at wala na umanong balak mag-asawa

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel