Claudine Barretto, sinabing si Raymart Santiago ang kanyang "favorite mistake"

Claudine Barretto, sinabing si Raymart Santiago ang kanyang "favorite mistake"

- Sa panayam ng kolumnistang si Aster Amoyo kay Claudine Barretto, nakwento nito na nasubukan umano nila ni Raymart Santiago na mag-co-parent sa kanilang dalawang anak

- Isa umano sa hindi nila nagawa ni Raymart para sa kanilang mga anak ay kausapin sila para masabing hindi nila kasalanan na nagkahiwalay ang kanilang mga magulang

- Ani Claudine sana ay huwag kalimutan ni Raymart na isa siyang ama sa kanilang dalawang anak

- Inilarawan naman ni Claudine ang dating asawa bilang kanyang favorite mistake

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang bahagi ng panayam ng kolumnistang si Aster Amoyo kay Claudine Barretto hiniling sa kanya na magbigay ng kanyang paglalarawan sa kanyang dating asawa.

Sa kabila ng hindi magandang mga pangyayari matapos lumabas ang isyu tungkol sa kakulangan ng sustento ni Raymart Santiago, inilarawan ni Claudine ang dating asawa bilang kanyang "favorite mistake."

Read also

Claudine Barretto, naalala ang pagiging maasikaso ni Marjorie Barretto

Claudine Barretto, sinabing si Raymart Santiago ang kanyang "favorite mistake"
Claudine Barretto (@claubarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naibahagi ng aktres na nagkaroon ng pagkakataon na naging maayos ang kanilang pagiging co-parent sa kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino.

Gayunpaman, muli umanong nagkaproblema nang hindi na naman sumunod ang aktor sa kanilang napagkasunduan.

Panuorin ang kabuuan ng panayam dito:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

William Martinez, 11 taon nang mag-isa at wala na umanong balak mag-asawa

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay lumabas sa isang panayam kay Claudine na sinabi nitong hindi umano dumadalaw sina Marjorie at Julia Barretto sa kanyang mommy.

Nsging usap-usapan din kamakailan ang napipintong paggawa ng pelikula ni Claudine at ng dati niyang kasintahang si Mark Anthony Fernandez.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel