Mga tatay na di na nakakapagsustento sa anak, maari na raw makulong
- Pasok sa paglabag ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act (VAWC) ang di pagsustento ng mga ama sa kanilang mga anak
- Maari na raw makulong ang ama na di na nakakapagsustento sa anak niya
- May proseso ang paghingi ng legal na sustento para sa anak na di na kasama ng ama
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Lingid sa kaalaman ng iba na ang di pagsustento ng mga magulang sa anak ay isa nang krimen. Kadalasan kasi mga kabataan na ngayon ang single parents na wala pang masyadong kaalaman sa batas.
Nalaman ng KAMI na sa ilalim ng Republic Act 193 to 222 of the Family Code, ang sustento sa isang bata ay kinapapalooban ng para sa kanyang pananamit, medikal na pangangailangan, edukasyon at transportasyon.
Ito ay binabase sa mga pangangailangan ng bata at sa pagkukunan ng magulang. Nangangahulugan na hindi "fixed amount" ito, maaring mabago depende sa kailangan ng bata.
Ang magulang na tumanggi o hindi makapagsustento ay lalabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act (VAWC).
Kahit pa di kasal ang mga magulang ng bata, may karapatan pa rin itong humingi ng sustento sa ama o sa ina niya.
Maari rin naman daw daanin sa legal na proseso ang lahat. Kung may sapat na pera, maaring kumuha ng abogado na siyang mag-aasikaso paano mo maisasagawa ng naayon sa batas ang pagkuha ng sustento sa anak.
Kung ikaw naman ay ordinaryong mamayan, mayroon naman tayong Public Attorney’s Office, Department of Justice, at maging Department of Social Welfare and Development na maaring pagtanungan at makatulong pa sa inyo sa paglalakad ng proseso.
Sakaling dinaan na ito sa kaso, magbibigay na agad ang korte ng protection order sa bata na sa tanging sa kustodiya lamang muna ng ina mamalagi ang bata habang tumatakbo ang kaso.
At dahil dadaanin na sa legal ang lahat, Dapat lamang na mayroon kang kopya ng PSA birth certificate ng anak at kung kayo naman ay kasal, PSA marriage certificate ninyong mag-asawa.
Kaya naman kung kayo ay single parent at nakararamdam ng hirap sa pagtataguyod ng anak, tandaan mo na mayroon ka rin namang dapat katuwang dito. Ngayon, maidadaan mo pa ito sa legal na proseso.
Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh