William Martinez, 11 taon nang mag-isa at wala na umanong balak mag-asawa

William Martinez, 11 taon nang mag-isa at wala na umanong balak mag-asawa

- Sa isang video ng beteranang entertainment columnist at talent manager na si Aster Amoyo, nakapanayam niya si William Martinez

- Naitanong niya sa aktor kung wala na daw ba itong balak na mag-asawang muli dahil matagal na rin naman silang hiwalay ni Yayo Aguila

- Ayon kay William ay hindi na siya bukas sa ganoong mga bagay dahil naipangako niya umano sa kanyang sarili na isang beses lang siyang ikakasal

- Labing-isang taon na siyang nag-iisa sa buhay at sinusubukang mabuhay nang mas malusog matapos niyang makaranas ng stroke

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni William Martinez ang ilang mga bagay na kanyang kinimkim sa loob ng mahabang panahon sa isang panayam ng beteranang entertainment columnist at talent manager na si Aster Amoyo.

William Martinez, 11 taon nang mag-isa at wala na umanong balak mag-asawa
Screenshot from TicTALK with Aster Amoyo YouTube channel
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ogie Alcasid, buong pagmamalaking ibinida ang tunay na ganda ng asawa

Kabilang sa naitanong sa kanya ng kolumnista ay kung bukas pa ito sa posibilidad na mag-asawang muli.

Ayon sa aktor, hindi na siya muling mag-aasawa dahil naipangako niya umano sa sarili niyang isang beses lang siya ikakasal.

Nang tanungin naman kung may natitira pa siyang pagmamahal sa dating asawa, sagot niya ay tanggap niya na na wala nang pagmamahal sa kanya si Yayo dahil ito umano ang nakipaghiwalay sa kanya.

Panuorin ang kabuoan ng panyam dito:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si William Pineda Martinez ay nakilala sa showbiz nang maging commercial model ito sa isang toothpaste ibrand noong 1979. Na-discover siya ng pumanaw nang talent manager na si Douglas Quijano.

Ikinasal siya sa kanyang co-star sa youth-oriented comedy film na Bagets na si Yayo Aguila. Naging mag-asawa sila mula 1985 hanggang 2010.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Jelai Andres, desidido nang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Jon Gutierrez

Matatandaang nagbigay ng babala ang dating asawa ni William na si Yayo nang ma-hack ang kanyang Twitter account.

Naging usap-usapan din ang kasong isinampa nina Yayo at anak niya laban sa dating kasama ni Yayo sa PBB na si Baron Geisler. Kaya naman, nagbahagi ng kanyang saloobin si Yayo tungkol sa pagpapa-reha noon ni Baron.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel