Sana daw totoo na! Yayo Aguila, nagbigay ng saloobin sa muling pagpapa rehab ng aktor na si Baron Geisler

Sana daw totoo na! Yayo Aguila, nagbigay ng saloobin sa muling pagpapa rehab ng aktor na si Baron Geisler

- Nagbigay ng kanyang saloobin si Yayo Aguila sa pagpaparehab uli ni Baron Guisler

- Ayon sa kanya sana daw ay tuloy-tuloy na ito

- Nagkasama sila dati sa loob ng bahay ni Kuya

Sina Baron Geisler at Yayo Aguila ay matatandaang nagkasama sa loob ng bahay ni Kuya (PBB Celebrity Edition 2) noong 2007.

Isa sa mga di malilimutang pangyayari noon ay nang malasing si Baron at halikan niya sa leeg si Yayo.

Binalewala ito ni Yayo dahil sa kaibigan ang turing niya sa aktor.

Ngunit makalipas ang ilang buwan, ang anak ni Yayo na si Princess naman ang nakaranas ng di kanais nais na sitwasyon sa aktor.

Abril 25, 2008 sa isang bar sa Makati City nang mangyari ang nasabing insidente.

Kinasuhan ni Patricia si Baron ng “acts of lasciviousness.”

Nasangkot na si Baron sa napakaraming kaguluhan magsimula noon at hanggang kamakailan lang ay napag desisyunan ng aktor na magpa rehab nang muli.

Ayon naman kay Yayo, magiging masaya siya pag tuluyan nang magbago si Baron.

“Actually, may nakita akong post na parang nagpe-pray over him.

"Pero, ang akin lang naman... hindi pa rin kasi tapos yung kaso, although medyo tapos na siya...

"Ako naman, kung totoong nagbabago na si Baron, I’ll really be one of the many people who will be happy for you.

“Sana, totoo na ‘yan! Sana, totoo na ‘yan because you have... you have... ilang taon na. Sana, totoo na.

Dagdag pa ng aktres marami ang nagmamalasakit at nagmamahal kay Baron kaya sapat niya itong pahalagahan.

“Kasi, marami namang nagmamahal sa ‘yo. Huwag mong sayangin!

“Kasi, pag dumating yung araw na talagang walang-wala na, it will be really hard for you to bring yourself together.

Sana nga daw ay totoo na ang at tuloy-tuloy ang kanyang pagbabago.

“So, kung totoo na ito, sana, totoo na talaga! Totohanin mo na!”

This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic - on Kami YouTube channel

ove is indeed one of the most powerful forces in the world. When it comes to love: what the mind forgets, the heart remembers.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react

Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react

Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel