Pulis na namayapa na, sumulat pa pala ng tula para sa anak na sanggol bilang pamamaalam

Pulis na namayapa na, sumulat pa pala ng tula para sa anak na sanggol bilang pamamaalam

- Nag-viral ang tula ng ginawa raw bilang tribute ng isang pulis na may matinding karamdaman noon para sa kanyang sanggol pa lamang na anak

- Pinamagatan ang tula ng "Anak, Paalam na" na labis na dumurog sa puso ng mga netizen, lalo pa at namayapa na ang pulis dahil sa malubhang karamdaman

- Binahagi ng isang kaibigan ang tula sa kanyang facebook ilang araw matapos tuluyan nang pumanaw ang pulis

Isang pulis na nakilalang si Dante Asuncion ang pumanaw dahil sa malubhang karamdaman.

Naiwan daw nito ang kanyang misis ang sanggol pa lamang na anak.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga kaibigan ni Dante ang nagbahagi ng isang tula na ginawa raw ni Dante para sa anak nito.

Pinamagatang "Anak, Paalam na", binahagi ng kaibigan ni Dante na si Nivram Elboder Odabas sakanyang facebook ang makakabagbag damdaming tula.

Narito ang kabuuan ng tula:

"ANAK PAALAM NA"

Anak paalam na,

Si papa sa langit ay uuwi na.

Sinundo na ako ng ating ama,

Na syang saki'y naglikha.

Anak ako na'y kanyang kinuha,

Katawan ko'y nabura sa lupa.

Hindi mo na masilayan ang aking mukha,

Lalaki kang di ko man lang maaruga.

Patawad kung wala akong nagawa,

Ito na ang saki'y nakatakda.

Alam kong hindi ka pa handa,

Aking anak masyado ka pang bata.

Anak paglaki mo maintindihan mo rin,

Na ang buhay sa mundo di hawak natin.

Gusto ko sanang manatili sa iyong piling,

Ngunit wala akong magawa at kelangang tanggapin.

Anak mag pakabait ka,

Hwag pasaway kay lolo at lola.

Makining ka lagi sa mga tito at tita,

Sila ang papalit sa obligasyon na iniwan ko na.

Anak patawad kung di kita nayakap,

Sa huling pagkakataon at puso ko'y umiiyak.

Umalis ako sa atin na buhay,

Inuwi ako na isang malamig na bangkay.

Dibah miss mo na si papa?

Ito ako'y naka uwi na.

Isipin mo lang na ako'y nagpahinga,

Kaya si papa sa kabaong nakahiga.

Anak pagmamahal ko iyong damhin,

Kasabay ng malamig na simoy ng hangin.

Anak kahit wala na ako sa iyong piling,

Sana hwag mabura ang mga alaala natin.

Alam kong ipagmalaki mo ako,

Sundalong ama na sa bayan ng serbisyo.

Anak lumaki kang mabuting tao,

Mapagmahal sa kapwa at punong puno ng respeto.

Anak paalam na,

Uuwi na ako sa tahanan ni ama.

Pagmamahal ko'y damhin mo pa,

Babaunin ko ang masasaya nating alaala..."

Ayon sa Trending News Porta, bumuhos ang emosyon sa comment section ng post dahil talaga namang nakakaantig ng damdamin ang tula lalo pa at di na makikita pa ng sanggol ang kanyang ama na si Dante.

Ang iba namang netizen na personal na kilala si Dante at nagpahayag ng suporta sa asawa nito lalo na sa panahong nangungulila talaga sa mister.

Pinalalakas nila ang loob ng misis ni Dante sapagkat mag-isa na lamang siyang magtataguyod sa kanilang anak.

Narito ang ilan sa nga komento na nakalap ng KAMI:

" Nakakaiyak nman..be strong batch"

"Batch pakatatag k ha..wla taung pinagkaiba sa sitwaxon,mas bata pa nga aq sau nung akong nabalo nrn.naki2ta q sarli q sau batch,sobrang hrap pero kailangan kayanin mu,para sa pamilya mu,para sa anak mu at para nrn sau.always pray lng.."

"napaka gandang tula pra sa napakabuting kaibigan, nagbabasa lang ako pero panay ang tulo ng luha ko .. sobrang bigat sa pkiramdam .."

"Huhuhu...nkakaiyak!! Sakit pg mwlan ng minamahal sa buhay"

"Nakakaiyak.ang sakit sa kalooban.pakatatag ka sis"

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica