Claudine Barretto, naalala ang pagiging maasikaso ni Marjorie Barretto

Claudine Barretto, naalala ang pagiging maasikaso ni Marjorie Barretto

- Sa isang panayam kay Claudine Barretto na inilabas noong buwan ng Mayo, inilarawan ni Claudine ang kanyang kapatid na si Marjorie Barretto bilang "maasikaso"

- Hindi din niya ikinaila na mahal niya ang mga pamangking sina Julia, Claudia, Leon at Dani Barretto

- Sa kabila ng nangyaring sigalot sa kanilang magkakapatid hindi nakalimutan ni Claudine ang magandang katangian ng kanyang mga kapatid

- Matatandaang matapos ang naganap na hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang magkakapatid mas nakikita si Claudine na laging kasama ang ate na si Gretchen Barretto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang video ng beteranang entertainment columnist at talent manager na si Aster Amoyo, nakapanayam niya si Claudine Barretto nitong buwan ng Mayo.

Dito ikinuwento ni Claudine ang ilang mga kaganapan sa kanyang buhay na hindi na lingid sa kaalaman ng publiko dahil maituturing na bukas na aklat sa publiko ang kanilang buhay.

Read also

Mga anak na architect at engineer, proud sa amang construction worker na napagtapos sila

Claudine Barretto, naalala ang pagiging maasikaso ni Marjorie Barretto
Claudine Barretto (@claubarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling bahagi ng panayam ay ipinalarawan kay Claudine ang mga pangalang binanggit ng beteranang kolumnista.

Kabilang sa nabanggit ay ang kanyang kapatid na sina Gretchen, Marjorie at mga pamangkin nitong sina Dani, Julia, Claudia at Leon Barretto.

Inilarawan niya si Gretchen bilang "loving." Naalala naman niya si Marjorie bilang "maasikaso" umano noon.

Hindi niya rin ikinailang mahal niya ang mga anak ni Marjorie.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

William Martinez, 11 taon nang mag-isa at wala na umanong balak mag-asawa

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay lumabas sa isang panayam kay Claudine na sinabi nitong hindi umano dumadalaw sina Marjorie at Julia Barretto sa kanyang mommy.

Nsging usap-usapan din kamakailan ang napipintong paggawa ng pelikula ni Claudine at ng dati niyang kasintahang si Mark Anthony Fernandez.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel