Mga anak na architect at engineer, proud sa amang construction worker na napagtapos sila

Mga anak na architect at engineer, proud sa amang construction worker na napagtapos sila

- Ibinahagi ng isang architect ang ipinatatayong bahay para sa kanilang mga magulang

- Saludo rin ito sa ama nilang construction worker na napagtapos silang magkapatid

- Bilang siya ay isa nang ganap na architect, ang kanyang kapatid naman ay isang engineer

- Maraming mga netizens ang na-inspire sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang TikTok video ni Noriel Estipular @architect_noriel tungkol sa pagbibigay pugay niya sa ama na na napagtapos silang magkapatid.

Nalaman ng KAMI na sa pagiging construction worker ng ama ni Noriel, napagtapos sila nito ng kanyang kapatid.

Architect si Noriel habang ang kanyang kapatid naman ay isang engineer.

Mga anak na architect at engineer, proud sa amang construction worker na napagtapos sila
Photo from @architect_noriel
Source: UGC

Sa video makikita ang ama na maingat na inilalagay ang mga karatula kung saan makikita ang mga pangalan ng kanyang anak at ang propesyon nito.

Kapansin-pansin na inilalagay ito sa may itaas na bahagi ng pintuan.

Read also

Video ng interview ni Julia Barretto kay Dennis Padilla, naka-private na

May caption sa video na "Saludo ako sa Papa ko na construction worker. May Architect at Civil Engineer na kayo, matatapos na rin ang dream house niyo ni Mama."

At sa bandang huli nga ng video, makikita ang malaki at magandang bahay na ipinatatapos nilang magkapatid para sa kanilang mga magulang.

Maging ang mga netixens ay naantig sa video at aminadong naluha sa bandang huli nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"Hindi ko ineexpect yung huli, naluha ako. Nakaka-inspire po ang family ninyo"
"Anak din po ako ng construction worker. Pinagbubuti ko po ang pag-aaral ko kasi nagpapahirap si Tatay para sa amin"
"Bakit ganun, naiyak ako, sana magawa ko rin ito sa mga magulang ko balang araw"
"Very inspiring po ang kwento ninyo, masuwerte ka po sa tatay niyo at masuwerte rin siya sa inyo"

Read also

Ogie Alcasid, buong pagmamalaking ibinida ang tunay na ganda ng asawa

"Mabuti ang mga magulang kaya naman mabuti rin ang mga anak. Salute!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, nag-viral din ang post ng isang anak na nakapagtapos ng kolehiyo at nagpapasalamat sa kanyang ama na balut vendor. Kita-kita ang kasiyahan ng ama na kasama ang kanyang anak sa larawan kung saan suot na nito ang kanyang toga.

Gayundin ang isang nobyo na hindi nagdalawang isip na tulungan ang pinakamamahal niyang girlfriend na mapagtapos ito ng kolehiyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel