BF, masayang napagtapos ng kolehiyo ang pinakamamahal na nobya

BF, masayang napagtapos ng kolehiyo ang pinakamamahal na nobya

- Nag-viral ang isang nobyo na masayang napagtapos ng 4-year course ang kanyang girlfriend

- Bukod sa tuition fee, sagot din ng boyfriend ang allowance at iba pang gastusin sa paaralan ng kanyang nobya na pinagbuti naman ang pag-aaral

- Taong 2019 nang maka-graduate ang nobya at nais niyang masuklian ang lahat ng sakripisyo ng kanyang boyfriend

- Ayon pa sa nobyo, kahit pa maghiwalay sila, hinding-hindi niya sisingilin ang girlfriend na hinihintay naman pala ang marriage proposal nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang love story nina Jefrey Oyando at Catherine Bascon.

Matatandaang sila ang nag-viral na couple kung saan super proud si Jefrey na napagtapos ang nobya na si Catherine.

Nalaman ng KAMI na Bachelor of Science in Computer Science ang tinapos ni Catherine noong Marso ng 2019.

BF, masayang napagtapos ng kolehiyo ang pinakamamahal na nobya

Sina Jefrey at Catherine (Photo credit: Catherine Bascon)
Source: Facebook

Kasama niya sa kanyang graduation picture ang kanyang nobyo na siyang nagpa-aral sa kanya.

Host ng Bigo Live, ipina-Tulfo ang ex-BF na umano'y pinerahan lang siya

Kwento ng nobyo, bagaman at tapos na ng two-year course ang nobya ay nahihirapan umano itong makahanap ng trabaho.

Doon naisipan niyang pag-aralin muli ng 4-year course si Catherine. Aminadong hindi ito naging madali para kay Jefrey gayung breadwinner din siya ng kanilang pamilya.

Mabuti na lamang, at wala raw hilig sa mga luho si Jefrey kaya naman may pera pa rin siyang nailaan sa pag-aaral ng nobya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Suportado rin ng mga magulang ni Jefrey ang pagpapaaral nito kay Catherine. Kaya naman nang ito ay makapagtapos, tila silang dalawa ang naka-graduate.

Bagaman at wala umanong hinihinging kapalit ang nobyo sa naitulong niya sa nobya, nais pa rin ni Catherine na masuklian niya ito lalo na at matinding "effort" ang nilaan sa kanya ni Jefrey.

Ngayon, unti-unti nang nagbubunga ang pinaghirapan ng magkasintahan dahil kasalukuyan nang sumasailalim sa training si Catherine sa pagiging isang application developer ng isang kompanya.

Senior HS, unang papapasukin sakaling magbalik paaralan na ang mga estudyante

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuang panayam ng GMA Public Affairs sa kahanga-hangang kwento ng pag-iibigan nina Jefrey at Catherine:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bago ang Araw ng mga Puso, nag-viral din ang prenup photos na may pamagat na "Pikot." Bentang-benta ito sa mga netizens na labis na kinagiliwan ang konsepto.

Taliwas naman ang mga ito sa isa ring nag-viral na proposal kung saan na-reject naman umano ang lalake ng babaeng nais sana niyang pakasalan.

Tunay nga namang maraming mukha ang pag-ibig. Kaya naman masasabing mapalad sina Jefrey at Catherine dahil habang tumatagal ang kanilang relasyon mas lalo itong tumitibay at mas lalo nilang napatutunayan ang pagmamahal nila para sa isa't isa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel