Host ng Bigo Live, ipina-Tulfo ang ex-BF na umano'y pinerahan lang siya

Host ng Bigo Live, ipina-Tulfo ang ex-BF na umano'y pinerahan lang siya

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang isang Bigo live host na pinerahan lang umano ng kanyang naging nobyo

- Sumbong ng babae, siya raw lahat ang gumastos nang dumating ang nobyo sa Pilipinas

- Bukod sa kanyang ipon, nagawa pa niyang magbenta at magsangla ng mga mamahalin niyang mga gamit

- Dipensa ng lalake, wala raw katotohanan ang mga paratang sa kanya ng dating nobya gayung nagpapadala rin siya umano rito ng pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng saklolo kay Raffy Tulfo ang isang Bigo live host na si Camille Villanueva dahil umano sa naloko at pinerahan lang siya ng naka-relasyon niyang si Joshua Garcia.

Nalaman ng KAMI na sa loob ng dalawang taong relasyon ng dalawa, naubos daw umano ang pera ni Camille maging ang mga inipon niya dahil umano kay Joshua.

Scammer, nanloko umano ng 50 na babae at ginawa niyang GF para lang perahan

Kwento ni Camille, siya ang gumastos halos lahat nang umuwi ang nobyo mula sa Australia.

Host ng Bigo Live, ipina-Tulfo ang ex-BF na umano'y pinerahan lang siya

Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Dumating pa raw sa punto na kinailangan pang magbenta ng mga mamahaling gamit ni Camille upang may maipang-gastos sila ni Joshua.

Dipensa ng lalake, wala raw itong katotohanan dahil nang bumalik siya ng Australia, malaking halaga naman ng pera ang pinadadala niya kay Camille.

Itinanggi naman ito ng babae. Lumalabas kasing pinadadaan lamang ni Joshua sa kanya ang pera at ipinabibibigay sa pamilya nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Halos nagsilbing referee si Tulfo nang mag-usap na ang magkabilang panig na parehong itinatanggi ang mga akusasyon sa isa't isa.

Dahil dito, binigyan na lamang sila ni Tulfo ng oras para mapag-usapan ito ng maayos off-air at para magkalinawanagan kung ano bang plano nila kaugnay sa reklamo ni Camille.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube Channel:

Raffy Tulfo, tuwang-tuwa sa lalaking "chill-chill" lang habang kausap ang naglokong misis

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan, natulungan din ni Tulfo ang isang OFW na umano'y pinerahan din ng fiancée niya. Dalawang sasakyan at sustento ang napunta sa babae na 'di naman umano pinakasalan ang OFW.

Gayundin ang isang transgender na umano'y pinagnakawan lang ng kanyang nakarelasyon. Tumulong ang programa ni Tulfo upang mas mapabilis ang pagkakadakip sa lalaking tumangay sa mga gadget at pera ng nakarelasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel