Scammer, nanloko umano ng 50 na babae at ginawa niyang GF para lang perahan
- Umabot sa 50 na mga babae ang naloko ng lalaking si "Eric" at pinerahan lamang umano niya ang mga ito
- Nabisto siya ng isa sa mga naging nobya niya noong June 2020 kung saan matiyaga nitong kinausap ang mga naging babae ni Eric
- Mula sa halagang P30,000 hanggang P70,000 ay nagawa nitong makuha sa kada babaeng nakakarelasyon
- Halos P1,000,000 ang mga nakulimbat umano nito sa mga naloloko niyang babae na madalas niyang makilala sa dating app
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang lalaki na nakilala sa pangalang Eric ang nagawa umanong manloko ng nasa 50 na mga babae na ginagawa niyang girlfriend para lamang daw maperahan ang mga ito.
Nalaman ng KAMI na isa sa mga naging nobya ni Eric na si Lily ang umano'y modus ni Eric sa mga kababaihan upang makakuha siya sa mga ito ng pera.
Kwento ni Lily sa Kapuso mo, Jessica Soho, sa unang date pa lamang nila ni Eric na nakilala niya sa dating app, nanghiram na raw ito sa kanya ng PHP2,000.
Naisauli naman ito ni Eric kinagabihan kaya naman hindi pa raw siya noong nagduda rito.
Subalit mula nang ito'y mapahiram niya, nadadalas na rin talaga ang panghihiram nito ng pera sa kanya.
Ang matindi pa rito, maging sa mga tindahan ay nangungutang si Eric at sinasabi sa tindahan na singilin na lamang si Lily.
"As in lahat ng tindahan, nautangan niya. Ako siyempre nahihiya ako, kaya ako na ‘yung nagbayad. ‘Yung utang niya umabot na ng halos PHP70,000," kwento ni Lily.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ngunit isa sa mga napansin ni Lily ay ang dami ng mga naka-block niyang friends sa Facebook.
Nang kastiguhin niya si Eric, sinabi nitong mga toxic daw na kaibigan ang mga iyon at ang iba ay ang mga ex niya.
Mas lalong nagduda si Lily kaya naman matiyaga niyang pinadalhan ng mensahe ang lahat ng naka-block na FB friends ng nobyo.
"Ang reply nilang lahat sa akin, ‘Scammer ‘yan.’ May utang daw na P48,000. May P30,000 na utang naman doon daw sa isa," pahayag ni Lily na nakumpirmang manloloko nga ang kanyang naging nobyo.
Ang nakakalula pa sa nangyari, umabot na umano ng milyon ang mga sinasabing nakulimbat niyang pera mula sa iba't ibang babae.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay isa sa mga kilalang programang pantelebisyon sa Pilipinas. Katunayan, ito na ang longest-running magazine show sa bansa
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nito lamang isang linggo, tinutukan ng KMJS ang naganap na palitan umano ng sanggol sa isang ospital.
Tinulungan ng programa ni Soho na maipa-DNA test ang ina at ang sanggol kung saan negatibo nga ang resulta. Dito nakumpirma nilang hindi nga anak ng ina sa programa ang hawak niyang sanggol.
Samantala, umaasa naman ang marami na maibalik na sa ina ang naipalit niyang anak sa lalong madaling panahon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh