Valentine Rosales ng Dacera case, emosyonal sa dami ng birthday greetings na natanggap

Valentine Rosales ng Dacera case, emosyonal sa dami ng birthday greetings na natanggap

- Emosyonal si Valentine Rosales sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan dahil umano sa mga natanggap niyang birthday greetings

- Sa kabila raw umano ng mga nangyayari sa buhay niya ngayon, ramdam niya ang suporta ng maraming tao sa kanya

- Pinasalamatan niya ang mga taong nagpadala sa kanya ng mensahe subalit sa dami ay di na raw niya ito maisa-isa

- Nagpakita rin siya ng pagiging positibo sa kanyang mensahe na nagsasabing "no time para sa galit and puot, Love lang tayo"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aminadong naiiyak si Valentine Rosales sa dami ng birthday greetings na kanyang natanggap sa kanyang kaarawan.

Si Valentine ay isa sa mga kaibigan ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera.

Sa kanyang Facebook post, emosyonal si Valentine sa mga natanggap niyang pagbati mula sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Mister na inayawan dahil "batugan," liligawan daw muli ang nagreklamong misis
Valentine Rosales ng Dacera case, emosyonal sa dami ng birthday greetings na natanggap

Photo credit: Valentine Rosales
Source: Facebook

"Natakwil man ako ng magulang pero nakaka touch maramdaman ang love and support coming from alot of people! Andami niyong nagmamahal sakin nakakaiyak!"

Maaalalang naibahagi ni Valentine na tila sumabay pa sa kinakaharap niyang pagsubok sa pagiging isa sa mga akusado sa kaso ni Dacera ang pagpapalayas at pagtatakwil sa kanya ng kanyang ama.

Paliwanag ni Valentine, dahil sa naisapubliko niya ang kanyang piniling kasarian, naitakwil umano siya ng kanyang ama dahil malas daw umano ito sa kanilang paniniwala.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Valentine sa lahat ng mga taong nagpakita pa rin ng suporta at pagmamahal sa kanya.

"Di ko ma-replyan lahat ng greetings niyo isa-isa at nasa kalahati pa lang ako ng araw pero sobrang dami niyo na nagi-greet! And sinusubukan ko naman sagutin lahat pakiramdam ko tuloy literal na Valentines Day!!!" dagdag pa niya.

Host ng Bigo Live, ipina-Tulfo ang ex-BF na umano'y pinerahan lang siya

Nagbahagi rin ng pagiging positibo si Valentine na sa kabila ng hindi pa natatapos na pagsubok, nais pa rin niyang mangibabaw na lamang ang pagmamahal.

"No time para sa galiit and puot, Love lang tayo," paalala ni Valentine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa si Valentine Rosales sa mga kaibigan na nakasama ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1.

Nadakip pa ang tatlo, subalit pinalaya rin dahil sa kakulangan ng ebidensya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, ay ginunita ng mga kaibigan ni Dacera ang ika-40 na araw mula nang siya pumanaw.

Karamihan sa mga mensaheng naibahagi sa kani-kanilang mga social media pages ay ang pagmamahal at pagka-miss nila sa "only girl" at "baby girl" girl ng grupo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel