Valentine Rosales ng Dacera case, sinabing nawalan siya ng trabaho at itinakwil ng ama

Valentine Rosales ng Dacera case, sinabing nawalan siya ng trabaho at itinakwil ng ama

- Sa pinakahuling panayam kay Valentine Rosales, isa sa mga nadadawit sa kaso ni Christine Dacera nasabi nitong natanggal na siya sa trabaho

- Itinakwil na rin umano siya ng kanyang ama mula nang isa-publiko niya ang kanyang kasarian

- Ilang linggo rin siyang namalagi kina Gigo De Guzman, anak ng veteran singer na si Claire Dela Fuente

- Kasalukuyan na raw siyang nasa poder ng isa sa kanyang mga tiyahin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natanggal na nga sa trabaho, itinakwil pa ng ama. Iyan ang pinakahuling update ni Valentine Rosales tungkol sa kaganapan sa kanyang buhay habang patuloy na umuusad ang kasong kinasasangkutan sa pagkamatay ng kaibigan na si Christine Dacera.

Nalaman ng KAMI na masasabing matinding hirap ang dinaraanan ngayon ng isa sa mga akusado sa kaso ni Dacera na hindi lamang ang trabaho ang apektado kundi pati na rin ang pamilya.

Herlene "Hipon Girl" Budol, may pa-house tour sa kanyang mga tagahanga

Kwento ni Valentine sa programang Bisaya Time nina Noche Cacas at Edwin Duque sa DZRH noong Enero 30, nasabi nitong tuluyan na siyang sinibak sa bangko kung saan siya noon nagtatrabaho.

Valentine Rosales, tinanggal na nga sa trabaho; itinakwil pa ng ama

Photo: Valentine Rosales (@valentinersls)
Source: Instagram

Ang masaklap, hindi pa umano sila makakapagtrabaho habang tuloy pa rin ang kaso ng yumaong kaibigan.

"Hindi pa po ako pwedeng magtrabaho dahil po sa nangyari na ito," pahayag ni Valentine at saka na lamang daw niya ito iintindihin kapag natapos na ang kaso at mapatunayang wala umano silang sala.

Subalit ang mas matindi pa rito ay ang pagtatakwil umano sa kanya ng kanyang ama na inempake pa raw ang kanyang mga gamit dahil tuluyan na siyang pinalayas nito.

"Ayun naka-empake na po lahat ng gamit ko, kinuha ko na lang po. Siya na po ang nag-empake."

"Inutusan po niya 'yung katulong. Siya na po ang nag-ayos ng gamit ko, kasi ayaw na niya po ako sa bahay."

Tao sa rm. 2207 ng Dacera case, nag-react sa sabi ni Valentine Rosales

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang dahilan daw nito ay dahil sa umamin na si Valentine tungkol sa kanyang kasarian na hindi katanggap-tanggap sa kanyang ama.

Filipino-Taiwanese si Valentine at may paniniwala umano sa mga Chinese na malas ang pagiging isang bakla sa pamilya.

"Hindi na niya ako in-accept as his son. Malas po kasi sa Chinese yun and ako lang ang only son," saad ni Valentine.

Kwento pa niya, dalawang linggo siyang pinatuloy ni Gigo De Guzman sa kanilang pamamahay. Si Gigo ay ang anak ng veteran singer na si Claire Dela Fuente.

Sa ngayon, naninirahan na si Valentine sa kanyang tiyahin.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Markbabas vlog:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa si Valentine Rosales sa mga huling nakasama ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago ito natagpuan na wala nang buhay, tanghali ng Enero 1 sa City Garder Grand Hotel Sa Makati.

Events host, 10 beses nagparetoke magkaroon lang ng mga raket

Naging matunog ang pangalan ni Valentine dahil sa mga pahayag niyang nabitawan patungkol sa mga tao sa room 2207, ang isa pang silid na makailang beses umanong pinuntahan ni Dacera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel