Valentine Rosales, humihingi ng tulong upang makakuha sila ng abogado

Valentine Rosales, humihingi ng tulong upang makakuha sila ng abogado

- Humihingi ng tulong ang isa sa mga kaibigan ni Christine Dacera na si Valentine Rosales na isinasangkot sa kaso ng pagkamatay nito

- Wala raw umanong kakayanan ang ilan sa kanila na magkaroon ng abogado kaya nais nilang makalikom ng halaga upang makakuha sila ng abogadong makapagdedepensa sa kanila sa kaso

- Gumawa sila ng isang Facebook page na nagpapakita ng paraan kung paano makapagpapadala ng donasyon sa kanila

- Nailibing na si Christine Dacera, umaga ng Enero 10, isang araw matapos na maisagawa ang ikalawang autopsy ng forensic team ng NBI

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humihingi ng saklolo ang isa sa mga kaibigan ni Christine Dacera na si Valentine Rosales upang makalikom umano sila ng pondo para makakuha ng abogado.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Valentine sa kanyang mga social media ang panawagan sa publiko kaugnay ng paghingi ng donasyon para sa abogadong dedepensa sa kanila sa kaso ni Dacera.

Read also

Mga tao sa Room 2207 kaugnay sa Christine Dacera case, natukoy na ng NBI

Hindi umano lahat ng itinuturing na suspek sa pagkamatay ni Dacera ay may kakayanan upang kumuha ng abogado.

Valentine Rosales, humihingi ng tulong upang makakuha sila ng abogado
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman gumawa sila ng Facebook page na 'Fund the truth' kung saan makikita ng nais magbigay ng donasyon kung paano at saan sila maaring makapagpadala ng tulong.

"I would like to ask for your help to raise funds for me and my fellow friends who are struggling to finance a lawyer in assisting us in this situation & effectively defend us. Any amount of donation will mean alot & will be appreciated. Thank you," ang tweet ni Valentine.

Si Valentine ay isa lamang sa mga personalidad na iniuugnay sa kaso ni Dacera at mariing itinatanggi na mayroon umano silang kinalaman sa pagkamatay nito.

Katunayan, sila pa raw umano ang nag-asikaso sa dalaga hanggang sa makumpirmang wala na itong buhay.

Read also

P500,000 na pabuya ni Manny Paquiao sa makakatulong sa kaso ni Dacera, mananatili

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Angelica Dacera sa bath tub ng tinuluyang hotel sa Makati City.

Si Dacera kasama ang mga kaibigan kung saan kabilang si Valentine Rosales ay sinalubong ang Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel. Nakunan ng CCTV ng naturang hotel ang mga huling sandali ng flight attendant na kuha sa hallway nito.

Dinakip ng pulisya ang tatlong itinuring na suspek sa kaso subalit napalaya rin ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Nailibing na si Dacera, umaga ng Enero 10 sa General Santos City matapos na maisagawa ang ikalawang autopsy sa kanyang labi sa pangunguna ng National Bureau of Investigation.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica