P500,000 na pabuya ni Manny Paquiao sa makakatulong sa kaso ni Dacera, mananatili

P500,000 na pabuya ni Manny Paquiao sa makakatulong sa kaso ni Dacera, mananatili

- Sa kabila ng pakiusap ng panig ng mga inakusahan, mananatili pa rin ang ₱500,000 na pabuya sa sinuman ang makakatulong na maresolba ang kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera

- Ito ay partikular din sa mga makapagtuturo sa mga taong huling nakasama ni Dacera na hindi pa umano lumalantad

- Ang ilan sa mga itinuturing na suspek ay naglabas na ng kanilang pahayag habang ang tatlo pa sa kanila ay naditena ngunit napalaya na rin dahil sa kakulangan ng ebedensya

- Hamon pa ni Pacquiao, kung totoong mga kaibigan ito ni Dacera, nararapat lamang daw umano na lumantad upang mas mapabilis ang pagresolba ng kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mananatili ang ₱500,000 na pabuya ni Senator Manny Pacquiao sa sinuman ang makakatulong sa paglutas ng kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Read also

Valentine Rosales, humihingi ng tulong upang makakuha sila ng abogado

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng mga pakiusap at apela ng ilang mga lumantad nang akusado lalo buo ang desisyon ni Pacquio na hindi alisin ang pabuya kung ito ang magiging daan upang mapabilis ang paglutas sa kaso sinapit ni Dacera.

Ayon sa Inquirer, inanunsyo ni Pacquiao ang desisyon matapos na umapela ang legal counsel ng apat na lumantad na akusado na si Atty. Mike Santiago sa kanya at maging kay ACT-CIS Rep. Eric Yap na magbibigay din umano ng reward money.

P500,000 na pabuya ni Manny Paquiao sa makakatulong sa kaso ni Dacera, mananatili
Photo: Senator Manny Pacquiao (@mannypacquiao)
Source: Instagram

Nasabi ni Atty. Santiago sa ABS-CBN News na ang apat na lumantad na sa publiko ay sinusundan ng mga di kilalang tao at kinukunan umano sila ng video sa kani-kanilang mga kinaroroonan ngayon.

“Let it be clear however that this bounty was put up only to ensure that all the people who were present on the night leading to the discovery of Christine’s lifeless body would come forward and shed light about this incident. They must submit themselves to investigating authorities so that we will know what really happened,” paliwanag pa ni Pacquio base sa ulat ng Manila Bulletin.

Read also

Construction worker na napagkamalang magnanakaw at nabaril, nailibing na

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dagdag pa ng senador, ang halagang P500,000 na ito ay mapupunta bilang tulong pinansyal sa pamilya ni Dacera kung ang mga akusado ay kusang loob na lalantad at magbibigay ng kani-kanilang salaysay tulad ng nagawa ng nauna nang anim.

Ayon pa kay Pacquiao, kung maituturing na totoong mga kaibigan ang iba pang hindi pa nagpapakita sa publiko, nararapat lamang na lumantad na ito bilang tulong sa paglutas sa kaso ni Dacera.

"Wala pong dahilan upang kayo ay matakot kung kakampi ninyo ang katotohanan," dagdag pa ng boxing senator.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enero 1 nang matagpuang wala nang malay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa bath tub ng tinuluyang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati City.

Read also

Biyuda ng napagkamalang magnanakaw ng pulis, idinetalye ang pangyayari sa RTIA

Nadala pa umano ito sa Makati Medical Center kung saan idineklara na itong dead on arrival. Matapos ito, agad na dinakip ang tatlong itinuring na suspek na kalauna'y pinakawalan din dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica