Construction worker na napagkamalang magnanakaw at nabaril, nailibing na
- Naihatid na sa huling hantungan ang nag-viral na construction worker na nabaril umano ng isang pulis matapos na mapagkamalan na isang magnanakaw
- Pareho umano sila ng suot ng totoong magnanakaw subalit siya ang tinugis ng pulis
- Aminado naman ang pulis sa nagawa subalit ang kasong naisampa sa kanya ay maari pa rin siyang magpiyansa
- Masama talaga ang loob ng misis ng sonstruction worker na hustisya pa rin ang sigaw para sa biglaang pagkamatay ng kanyang asawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nailibing na ang construction worker na si Federico Pineda, ang nabaril umano ng isang pulis sa Sta. Rita Pampanga matapos na mapagkamalan siyang magnanakaw.
Nalaman ng KAMI na makalipas ang isang linggo mula nang maganap ang insidente ay inihatid na sa huling hantungan ang labi ng 29-anyos na padre de pamilya.
Sa video na ibinahagi ng ABS-CBN News, maririnig ang panaghoy ng mga nakipaglibing lalo na at sigaw nila ay hustisya sa pagkamatay ng biktima.
Kaarawan umano ng bunsong anak ni Federico nang mangyari ang pagtugis sa kanya ni Patrolman Eframe Ramirez.
Pareho umanong sando na puti ang suot ni Federico at nang totoong magnanakaw subalit ang construction worker ang nasundan ng pulis.
Kasalukuyan nang nasa kamay ng awtoridad ang patrolman na nasamapahan na rin ng kaso. Subalit hiling ng pamilya nilang maitaas ito sa murder sapagkat ang kasong nakasampa ngayon sa pulis ay maari pa rin siyang magpiyansa.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Samantala, halos himatayin ang misis ni Federico na si Carla sa matindi ang sama ng loob sa pangyayari. Hindi raw niya alam ang gagawin ngayong wala na ang mabait at masipag niyang asawa na nagsusumikap nang husto para sa kanilang pamilya.
Isa ang Commission on Human Rights sa nangakong tutulong na makamit ng pamilya ang hustisya.
Maging si Raffy Tulfo ay isa na rin sa mga namamagitan upang mas mapabilis ang pag-aksyon sa kasong ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bukod sa kasong ito ng construction worker, isa rin sa mga tinututukang kaso ngayon ay ang pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera. Natagpuan lamang umano ito ng kanyang mga kasama sa bath tub ng tinuluyan nilang hotel sa Makati noong Bagong Taon.
Bago naman matapos ang taong 2020, gumulantang din sa publiko ang video ng aktwal na pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa kapitbahay niyang mag-ina na sina Sonia at Frank Gregorio.
Ilan lamang ito sa mga kasong tintututukan ngayon ng publiko at hiling ng marami na makamit ng pamilya ang hustisya para sa mga yumaong mahal sa buhay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh