Pulis sa viral video na kumitil sa buhay ng mag-ina, sumuko na
- Hawak na nga mga awtoridad ang pulis sa viral video na naaktuhan ang pamamaril sa mag-inang nakaalitan dahil di umano sa 'right of way'
- Nag-umpisa umano ang di pagkakaunawaan dahil sa pagpapaputok ng boga sa compound ng mga biktima
- Doon lumabas ang pulis na kapitbahay ng mag-ina at nagka-ungkatan ng dati na nilang isyu tungkol sa 'right of way'
- Mahaharap sa kasong double murder ang suspek na naka-destino sa Parañaque City Crime laboratory unit
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sumuko na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca, ang pulis sa viral video na naaktuhan ang pamamaril sa nakaalitang kapitbahay na sina Sonya Gregorio, 52 at Frank Anthony Gregorio, 25.
Nalaman ng KAMI na nag-umpisa umano ang di pagkakaunawaan nang magpaputok ng boga ang isa sa mga biktima dahilan upang lumabas ng bahay si Nuezca.
Base sa ulat ng GMA News na nakapanayam kay Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa, ayaw munang magsalita ng suspek at sa korte na lamang umano siya magpapaliwanag. Subalit nabanggit nitong nagsisisi umano siya sa nagawa sa mag-ina.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas ding nagka-ungkatan pa ng dati umanong iringan ng magkabilang panig tungkol sa 'right of way'.
Ngunit ang tinitingnan ding dahilan di umano ng rektang pamamaril ay nang makisali na sa gulo ang anak ng pulis na sinagot ng isa sa mga biktima ayon sa News5.
Base sa mga saksi, kaswal lamang na umalis ang pulis sa pinangyarihan ng krimen kasama ang kanyang anak at mag-isa nang sumakay sa motor at umalis muli.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
6:19 ng gabi ng Disyembre 20 sumuko sa Pangasinan Municipal Police ang suspek na dinala naman sa Paniqui Municipal Police.
Napag-alaman ding naka-destino ang suspek sa Parañaque City crime laboratory at umuuwi lamang sa kanyang pamilya sa Tarlac.
Mahaharap ito sa kasong double murder.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil sa insidenteng ito, nagpaalala naman ang hepe ng Paniqui police na nararapat pa rin umiral sa mga kapulisan ang maximum tolerance. May tamang proseso naman daw na dapat gawin at last resort na ang paggamit ng baril.
Marami din naman sa mga kapulisan natin lalo na sa panahon ng pandemya ang nakagagawa ng kabutihan sa kapwa na taliwas sa ganitong insidente.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh