Miss Manila at ‘Sexy Hipon’ Herlene, mainit ang naging sagutan sa ‘Tutok to Win'

Miss Manila at ‘Sexy Hipon’ Herlene, mainit ang naging sagutan sa ‘Tutok to Win'

- Naging mainit ang sagutan nina Miss Manila Alexandra Abdon at ‘Sexy Hipon’ Herlene sa Wowowin, Tutok to win

- Ito ay kaugnay sa sinabi ni Miss Manila na umano'y tila panghahamak sa pagkatao ni Herlene

- Humingi din ng dispensa si Alexandra dahil sa hindi nito pagsipot noong Lunes sa Wowowin

- Nagkamayan ang dalawa upang maipakita na maayos na at wala nang samaan ng loob sa kanilang pagitan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkainitan sina Miss Manila Alexandra Abdon at ‘Sexy Hipon’ Herlene nang magkaharap sila sa wakas sa Wowowin, Tutok to Win nitong Biyernes lamang nang pumunta si Alexandra upang personal na humingi ng dispensa dahil hindi siya nakapunta matapos niyang tanggapin ang paanyaya ni Willie Revillame.

Makikita ang tila pagdaramdam pa rin ni Herlene sa sinabi ni Alexandra tungkol sa umano'y pagiging iskwater niya.

Mag-inang Julia at Marjorie Barretto, kumasa sa lie detector challenge

Sinubukan naman ni Alexandra na ipaliwanag ang kanyang panig at wala umano syang naaalalang sinabi niyang masama tungkol kay Herlene.

Miss Manila at ‘Sexy Hipon’ Herlene, mainit ang naging sagutan sa ‘Tutok to Win'

Photo from Alexandra Abdon (@alexandra.abdon)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tuloy-tuloy ang kanilang mainit na sagutan hanggang sa nagsalita na rin at namagitan si Michelle Gumabao na isa din sa mga kalahok ng Miss Universe 2020. Si Michelle ay tinanghal na 2nd runner up sa MUPH na ginanap nito lamang nakaraang October 25, 2020.

Maging ang founder ng Frontrow na si RS Francisco at inudyukan ang dalawa na magbati na lamang dahil pasko naman. Sa huli, nagkamayan ang dalawa upang ipakitang nagkaayos na sila.

Gayunpaman, nang muling magsalita si Alexandra matapos magpaliwanag ni Herlene, pinutol na ni Willie ang sasabihin nito dahil hindi na umano sila matatapos kung muli na naman silang magkakasagutan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dimples Romana, naiyak sa sorpresa ng asawang si Boyet Ahmee

Si Alexandra Abdon ang kumatawan sa Lungsod ng Maynila sa ginanap na Miss Universe PH 2020 kung saan nanalo si Rabiya Mateo. Hindi man nanalo sa nasabing beauty pageant, sumikat si Alexandra kasunod ng kanyang preliminary interview na nag-viral.

Muli siyang naging usap-usapan matapos ang paglabas ng kontrobersiya kaugnay sa umano'y pangmamata niya kay Herlene ng Wowowin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel