Interview sa pambato ng Maynila sa Miss Universe PH, kinagiliwan ng netizens

Interview sa pambato ng Maynila sa Miss Universe PH, kinagiliwan ng netizens

- Viral ngayon ang video ng preliminary interview kay Miss Manila para sa Miss Universe Philippines 2020

- Ito ay dahil sa pagiging natural lamang niya at wala raw halong pagpapanggap sa mga sagot niya sa nasabing interview

- Nagawa pa niyang biruin ang mga judges at maging ang direktor ng show at pinahihinto niya ang timer dahil di umano siya makapag-isip ng maisasagot

- Maririnig na madalas niyang mapatawa ang panel na nag-interview sa kanya at aliw na aliw sa pagiging natural nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Interview sa pambato ng Maynila sa Miss Universe PH, kinagiliwan ng netizens

Photo: Alexandra Abdon's Facebook
Source: Facebook

Hindi man pinalad na masungkit ang titulo at korona sa katatapos lamang na Miss Universe Philippines 2020, wagi naman sa puso ng mga netizens ang napaka-cool na pambato ng Lungsod ng Maynila na si Alexandra Abdon.

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang mga video ng kanyang preliminary interview sa nasabing pageant.

Marco Gumabao, todo suporta sa kapatid na si Michele sa gitna ng kontrobersiya

Ibinahagi ni Nikki Nicolas ang nakakaaliw na interview ni Alexandra na sa umpisa pa lang ay mapapansin na agad ang pagiging 'kalog' at 'masayahin' nito.

Pagharap pa lang sa judges, agad na nitong sinabi na nilalamig siya at hiningal siya sa pag-akyat sa lugar kung saan ginaganap ang interview.

"Wait, kailangan kong huminga, kailangan kong huminga, ok... game!" ang entrada ni Miss Manila.

Sa kanyang pagpapakilala, tila napahaba ang nasabi ni "Alex" kaya naman nang marinig niya ang 'times up!' hindi niya napigilang sabihin na "easy ka lang sa pag-time!"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Wait lang di ako makapag-isip, wait... pwedeng paki-pause yung time?" ang pabirong sagot ni Alex nang tanungin naman siya kung ano ang para sa kanya ang "most beautiful language" sa kanilang lungsod.

Sa pagkakataong ito, lumampas na naman siya sa itinakda lamang na oras sa pagbibigay ng sagot ngunit nagawa pa muli niyang magbiro at sabihing "Easy lang , direk! wag kang magalit sa 'kin direk, ako lang to direk."

Bagong awitin ni Moira Dela Torre, agad nag-viral dahil sa mga 'broken hearted' na netizens

Sa pagpapatuloy niya ng interview, nanatiling "chill" at kalmado pa rin si Alex at maririnig pang madalas niyang mapatawa ang panel na nagbabato sa kanya ng mga katanungan.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong Oktubre 25 ginanap ang coronation day ng Miss Universe Philippines 2020 kung saan kinoronahan ang pambato ng Iloilo na si Rabiya Mateo.

Disyembre nang nakaraang taon pa nang magsimula silang tumanggap ng mga kandidata para sa naturang pageant na nagawa pa rin nilang ituloy sa kabila ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel