Michelle Gumabao, kinagiliwan matapos mamagitan kina Herlene at Miss Manila

Michelle Gumabao, kinagiliwan matapos mamagitan kina Herlene at Miss Manila

- Marami ang natuwa kay Michelle Gumabao sa ginawa niyang pamamagitan kina Herlene Budol at Miss Manila kamakailan

- Sa kabila ng tensyon sa pagitan ng dalawa, nadala ng maayos ni Michelle ang sitwasyon kaya kahit papaano ay naibsan ang tensyon

- Naging mainit na diskusyon nitong nakaraang mga araw dahil sa paghaharap ng dalawa sa programang Wowowin

- Matatandaang nag-ugat ang isyu nang ibahagi ni Herlene ang umano'y "pangmamata" sa kanya ni Miss Manila nang magkasama sila sa isang event

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng naging tensiyon na naganap dahil sa naging sagutan nina Herlene "Hipon" at Miss Manila, naging maganda ang pag-atake ni Michelle Gumabao para mapagaan ang sitwasyon.

Maayos niyang sinagot ang mga patutsadahan ng dalawa habang kaharap si Willie Revillame. Naganap ito nitong Biyernes nang pumunta si Miss Manila Alexandra Abdon sa studio para magkaharap sila at magkausap ni Herlene.

Read also

Mag-inang Julia at Marjorie Barretto, kumasa sa lie detector challenge

Matatandaang naiyak si Herlene nang ibahagi niya ang umano'y sinabi sa kanya ni Alexandra nang minsang magkasama sila sa isang event.

Michelle Gumabao, kinagiliwan matapos mamagitan kina Herlene at Miss Manila
Alexandra Abdon, Michelle Gumabao, Herlene Budol Photo from Michelle Gumabao (@gumabaomichele)
Source: Instagram

Maging ang mga netizens ay bumilib kay Michelle.

Laughtrip sa dalawa. Pero the best padin ikaw kasi mas nagpa ka Ate sa kanila nasa gitna ka lang.
Love the way you handled the situation kanina Michelle! A true queen indeed!
Good thing you’re there Mich. kasi obviously nagkaka pikunan na talaga sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging mainit ang kanilang harapan at pilit tinanggi ni Miss Manila na may sinabi siyang masama laban kay Herlene.

Agad na nag-trending ang dalawa kasunod ng paglabas ng video ng kanilang mainit na pagsasagutan.

Maging ang founder ng Frontrow na si RS Francisco at inudyukan ang dalawa na magbati na lamang dahil pasko naman.

Read also

Dimples Romana, naiyak sa sorpresa ng asawang si Boyet Ahmee

Sa huli, nagkamayan ang dalawa upang ipakitang nagkaayos na sila. Gayunpaman, nang muling magsalita si Alexandra matapos magpaliwanag ni Harlene, pinutol na ni Willie ang sasabihin nito dahil hindi na umano sila matatapos kung muli na naman silang magkakasagutan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Michele Gumabao ay kumatawan sa Quezon City. Naging matunog ang kanyang pangalan dahil isa siyang kilalang volleyball player at dating housemate sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Matatandaang palaban na sinagot ni Michele ang mga bashers na nagkomento tungkol sa kanyang figure.

Bukod kay Michele, maging si Vicki Rushton na dating PBB housemate ay sumali din sa Binibining Pilipinas noong 2018.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel