Donnalyn Bartolome, ipinaliwanag kung bakit hindi na nagkakasama ang #DoLaiNab
- Naging usap-usapan ang tila hindi pagsama ni Jelai Andres sa mga vlogs nina Donnalyn Bartolome at Zeinab Harake kamakailan
- Kasunod nito ay napagpasyahan ni Donnalyn na ibahagi ang tunay na dahilan sa kanyang YouTube channel
- Sinimulan niya ang kanyang video sa pamamagitan ng pagbabahagi ng magagandang alaala ng kanilang pagkakaibigan
- Gayunpaman, sa bandang dulo ng video ay sinabi ni Donna na prank lamang ang kanyang sinabing wala nang DoLaiNab
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos lumabas ang mga video nina Donnalyn Bartolome na kasama lamang si Zeinab Harake, marami ang napaisip kung bakit hindi na madalas nakakasama sa kanila si Jelai Andres.
May mga lumabas na espikulasyong nagkatampuhan umano sila. Matatandaang maging sa surprise birthday celebration para kay Zeinab ay kapansin-pansing wala si Jelai.
Dito na lumabas ang mga usap-usapang nabuwag na ang samahan nilang kanilang tinawag na DoLaiNab na mula sa pinagsama-samang pangalan nilang tatlo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kaya naman, sa kanyang YouTube channel, napagpasyahan ni Donnalyn na magsalita tungkol sa isyu. Sinumulan niya ang video sa pamamagitan ng pagsabing wala nang DoLaiNab. Gayunpaman, hindi niya umano maaring sabihin ang tunay na dahilan dahil gusto niyang hindi masira ang pagtingin sa kanila ng mga tao.
Kasunod nito ay ibinahagi ni Donna ang ilang masasayang kulitan nilang tatlo.
Nang umabot sa bandang huling bahagi ng video, biglang sinabi ni Donna na prank lang ang lahat at ang tunay na dahilan umano kung bakit wala si Jelai ay dahil sa nasa lock in taping ito para sa isang serye sa GMA-7.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Donnalyn Bartolome ai isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber at social media influencer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Kakaibabe, Paskong wala ka, Happy Breakup, Di Lahat at marami pang iba.
Matatandaang isa si Donnalyn sa mga vloggers na aktibong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo at malawakang pagbaha. Nag-donate din siya ng bangka para magamit sa pag-rescue ng mga nasalanta ng bagyo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh