Zeinab Harake, ipinagtanggol ng kanyang kapatid sa mga bashers

Zeinab Harake, ipinagtanggol ng kanyang kapatid sa mga bashers

- Dinipensahan ni Rana Harake ang kanyang kapatid na si Zeinab Harake sa mga bashers nito

- Matapos na ipahayag sa publiko ni Zeinab ang kanyang pagbubuntis at ang ama pa nito ay si Skusta Clee, umani ito ng iba't ibang reaksyon

- Habang ang ilan ay natuwa sa pagbabalikan ng dalawa at nagbunga pa ang kanilang pagmamahalan, hindi pa rin nawala ang mga bashers sa kanilang sitwasyon

- Pakiusap ni Rana na maging masaya na lamang para sa kanyang kapatid lalo na at nagdadalang-tao ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinagtanggol ni Rana Harake ang kanyang kapatid na si Zeinab Harake sa mga dumarami umano nitong bashers.

Nalaman ng KAMI na matapos na isiwalat ni Zeinab sa publiko na siya ay nagdadalang-tao at ang ama nito ay si Skusta Clee, umani talaga ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.

Read also

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Habang ang mga fans ay naging masaya para kay Zeinab, mayroon namang iba na nagawa pa ring i-bash at masabihan ng hindi magagandang salita ang vlogger.

Zeinab Harake, ipinagtanggol ng kapatid sa mga bashers
Photo: Rana Harake
Source: Facebook

"Maging masaya na lang kayo sa tao dahil nag dadalang-tao siya. Nakakaloka yung ibang tao akala mo may nai-ambag sa buhay e kung makapag-judge akala mo walang ginagawang masama, edi sige na kayo na perfect nakakahiya naman sa inyo diba?"

"Wala kayong alam sa buhay niya at wala kayong ambag sa mundo ano ambag niyo? Pag chismisan yung mga tao? Sa totoo nga lang di niya kailangan mag explain sainyo kasi sino ba kayo para pag paliwanagan niya?"

"Just saying keep your mouth shut, kung wala kang matinong sasabihin.Tignan niyo din sarili niyo hindi yung puro ibang tao," ang pahayag ni Rana sa kanya na ngayong viral post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

OFW, nakatipid sa pagpapatayo ng bahay dahil sa mister na matiyagang gumawa nito

Matatandaan na naging kontrobersyal ang relasyon ng YouTuber na si Zeinab at ang nobyo nitong rapper na si Skusta Clee.

Sa huling vlog ni Zeinab, nabanggit niyang makailang beses na talaga silang nagkabalikan ng rapper ngunit minabuti na nilang hindi ito isa-publiko agad.

Subalit ngayong magiging magulang na sila, magkasama sila sa video na nagkwento ng kinahinatnan ng kanilang pag-iibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

SI Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang Pinay content creator sa YouTube. Ang kanyang kapatid na si Rana Harake ay isa na ring vlogger na bahagi rin ng Team Zebby na tinutulungan ni Zeinab na magkaroon din ng matagumpay na YouTube channel.

Bukod sa rebelasyon nila ni Skusta Clee ng kanyang pagbubuntis, gumawa rin ng ingay sa social media ang komento ng rapper sa naging post ng di umano'y na-link kay Zeinab na si Wilbert Ross.

Read also

Vlogger, kinumusta ang kalagayan ng lolo na basurerong minsan na nilang natulungan

Isang buwan bago pa man ang isa-publiko ng dalawa ang kanilang pagbabalikan, namataan na ang dalawa na magkasama sa Halloween Special ni Zeinab sa kanyang vlog.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel