Babae ni mister, walang takot kung magbitaw ng salita laban sa legal wife

Babae ni mister, walang takot kung magbitaw ng salita laban sa legal wife

- Humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo ang isang misis na hindi na inuuwian ng mister na naninirahan na kasama ng kanyang ibang babae

- Nang kapanayamin pa ni Tulfo ang babae, kasama pa mismo nito ang mister na inirereklamo ng misis

- Walang takot kung sumagot ang babae na handang ipaglaban ang pagmamahalan nila kahit na pangangamote lamang daw ang kanilang ikinabubuhay

- Dahil dito, nagdesisyon ang misis na kasuhan ang kanyang mister dahil labis silang nasaktan nito sa pangingibang bahay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ang misis na si Evangeline Pascual dahil sa pagsama umano sa ibang babae ng kanyang mister na si Mario Pascual.

Nalaman ng KAMI na ang kabit ni Mario na si Cristy Bonifacio ang siyang matapang manalita na maging ang co-host ni Tulfo na si Sharee Roman ay di umano'y nabungangaan din nito.

Read also

Construction worker na napagkamalang magnanakaw at nabaril, nailibing na

Nang kapanayamin pa ni Tulfo si Cristy, kasama pa talaga nitong humarap si Mario at inaming nagsasama na talaga sila.

Matapang na kabit, walang takot kung magbitaw ng salita laban sa legal wife
Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Bukod pa rito, walang takot na nagpahayag ng saloobin ang babae na siya pa talaga ang matapang na magsalita laban sa ligal na asawa.

"Hindi ka na mahal ng asawa mo, pinipilit mo pa ang sarili mo!" ang ilan sa mga nabitawang pahayag ng babae laban sa misis.

Kwento naman ni Evangeline, maayos silang nagsasama ng mister ngunit nagulo lamang nang umeksena si Cristy gayung alam naman nitong may asawa at pamilya na si Mario.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang mga anak nila na may kanya-kanyang pamilya ay naghihinanakit sa nagawa ng ama ngunit ang kanilang sinisisi sa nangyari ay ang babae.

Dahil dito, nagdesisyon na ang misis na kasuhan ang mister na agad na ipadadampot sa pulis sa tulong ni Tulfo.

Read also

Nag-viral na taho vendor na pasan ang anak sa paglalako, may food cart business na

At kahit na raw makukulong si Mario, handa pa rin daw ang babe na maghintay o kung gugustuhin pa ng ligal na asawa na pati siya ay isama na rin sa kulungan.

"At least magkasama pa rin kami!" sabi ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan ay natulungan ni Tulfo na makumpirma ng isang anak kung totoong ama niya ang kanyang nahanap lang sa social media.

Read also

Biyuda ng napagkamalang magnanakaw ng pulis, idinetalye ang pangyayari sa RTIA

Maging ang nag-viral na lolo na naglalako lamang ng basahan ay natulungan ni Tulfo na magkaroon ng munting sari-sari store upang hindi na ito lumayo sa pagtitinda.

Patunay lamang ito na marami sa ating mga kababayang dumaranas ng iba't ibang problema ay natutulungan ng kanilang 'Idol Raffy.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel