20-anyos na itinanggi ng ama, lumabas na tunay nga siyang anak nito base sa DNA test

20-anyos na itinanggi ng ama, lumabas na tunay nga siyang anak nito base sa DNA test

- Lumabas na ang resulta ng DNA test na isinagawa sa 20-anyos na anak at sa sinasabing ama nito ngunit pilit siya noon nitong itinatanggi

- Sa pamamagitan ng test nakumpirmang anak nga siya ng ama na dati ay duda pa lalo na at naghiwalay ang kanyang mga magulang nang di nalalaman ng kanyang tatay na buntis pa pala ang kanyang ina

- Naging emosyonal ang anak na noon pa man ay positibong ama nga niya ang dating kinasama ng kanyang ina

- Si Raffy Tulfo na rin mismo ang gagawa ng paraan upang magkita ang dalawa makalipas ang 20 na taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa tulong ng programang Idol in Action ni Raffy Tulfo, nakumpirma ni Merilyn Develles na ama nga niya si Rene Majadas na dati ay nagawa siyang itanggi

Nalaman ng KAMI na lumabas na ang DNA result na isinagawa ng dalawa matapos na dumulog noong Nobyembre 9 ni Merilyn sa programa ni Tulfo dahil sa pagtanggi nga sa kanya ng kanyang itinuturong ama.

Keith Talens at Mang Jun, lumabas na nagsinungaling base sa lie detector test

Paliwanag noon ni Rene, hindi niya alam noon na buntis pala ang dating kinasama kaya hindi niya alam kung anak pa nga ba niya si Merilyn.

20-anyos na itinanggi ng ama, lumabas na tunay nga siyang anak nito base sa DNA test

Ipasusundo pa ni Raffy Tulfo ang mag-aama para magkaroon sila ng 'bonding' makalipas ang 20 na taon Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa tulong ng kanyang tiyo, natunton ni Merilyn ang ama sa Facebook subalit hindi agad ito maniwalang may isa pa siyang anak.

Ang inaako lamang ni Rene ay ang ate ni Merilyn kaya naman mas lalong masakit para sa 20-anyos na anak na tila wala pa rin siyang matawag na ama.

Ngunit ngayon na 99.99% na positibong anak nga siya ni Rene, naluha talaga siya sa kasiyahan dahil sa wakas ay mayroon na siyang matatawag na ama.

Dahil dito, gagawa pa ng paraan si Tulfo na magkita ang mag-ama kasama na rin ang ate ni Merilyn. Sagot na rin niya ang bonding ng tatlo na makalipas ang 20 na taon ay magkikita at magkakayakap na bilang mag-aama.

Vlogger, natagpuan na ang viral basahan vendor na kanyang hinahanap para matulungan

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan ay natulungan niya ang nag-viral na lolo na nagtitinda pa rin ng basahan sa kabila ng kanyang kalagayan kung saan nagkaroon pala siya ng mild stroke.

Maging ang YouTube vlogger na sina Keith Talens at Mang Jun ay natulungan ni Tulfo na magkaayos matapos ang ilang buwan nilang hindi pagkakaunawaan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel