Lolo na naglalako ng basahan sa viral video, natulungan ni Raffy Tulfo

Lolo na naglalako ng basahan sa viral video, natulungan ni Raffy Tulfo

- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang viral video ng isang lolo na sa kabila ng kanyang sitwasyon kung saan hirap siyang maglakad ay pilit pa rin itong naglalako

- May isang netizen kasi na nagmalasakit na kunan ng video ang lolo upang maihingi ng tulong

- Marami ang nag-tag sa programa ni Raffy Tulfo sa natrang video kaya naman agad niya itong binigyang pansin

- Nagpapunta agad ng staff si Tulfo sa kinaroroonan ng Lolo upang malamn ang sitwasyon nito ay mabigyan agad ng karampatang tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nag-tag kay Raffy Tulfo sa viral video kung saan makikita ang lolo na noo'y hinihinalang may Parkinson's disease ngunit matiyaga pa ring naglalako ng mga basahan sa Pasig City.

Nalaman ng KAMI na dahil sa dami ng nag-tag sa programang Raffy Tulfo in Action, agad naman itong nabigyang pansin ng host.

Read also

OFW, kahanga-hanga ang mga naipundar sa loob lamang ng ilang taon

Agad nilang natunton ang kinaroroonan ng 61-anyos na lolo na si Armando Marcelo na dumanas pala ng mild stroke kaya makikita sa video na halos hindi niya maayos na maigalaw ang ilang bahagi ng kanyang katawan.

Lolo na naglalako ng basahan sa viral video, natulungan ni Raffy Tulfo
Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Nang makita ni Tulfo ang kalagayan ng lolo, inalok na niya ito ng pangkabuhayan na kung saan hindi na nito kailangan pang dumayo ng Pasig para maglako ng basahan lalo na ay mula pa pala siya sa Taytay, Rizal kung saan siya naninirahan kasama ng kanyang mababait na pamangkin.

Munting sari-sari store ang ipagagawa ni Tulfo para kay Armando upang may pagkukunan na siya ng panggastos niya sa araw-araw.

Bukod dito patitingnan pa sa espesyalista si Armando upang makainom ng tamang gamot at sumailalim na rin sa ilang therapy kung kinakailangan upang tuloy-tuloy na ang kanyang paggaling.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

Lalaki, ipina-Tulfo ang naging kasintahan na 'di pala babae' at pinerahan lang daw siya

Humirit din ang viral vendor ng sapatos ipinakita nito ang malaking butas sa kanyang ginagamit kaya mas lalo siyang nahihirapan. Hindi lamang daw isa kundi ilang pares ang ibibili ni Tulfo para sa matanda.

Dahil dito, labis-labis ang pasasalamat ni Armando sa kanyang 'Idol Raffy' gayundin sa mga netizens na nagmalasakit sa kanya upang mabiyayaan siya ng tulong lalong-lalo na at nalalapit na ang Kapaskuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Misis sa viral video na nagagawang saktan ang kanyang mister, ipina-Tulfo na

Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang kaawa-awang mister na nagagawang saktan di umano ng kanyang kinakasama.

Maging ang isang lola na nabiktima ng hit-and-run ay natulungan at nasuportahan din ni Tulfo ang pagpapagamot at iba pang pangangailangan nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica