OFW, kahanga-hanga ang mga naipundar sa loob lamang ng ilang taon
- Sa loob lamang ng nasa anim na taon ay marami nang naipundar ang OFW na si Vanessa Piana Paidomama na nasa Saudi
- Bukod sa mga alahas at alagang hayop pangnegosyo, mayroon na rin siyang bahay at lupa gayundin ang motorsiklo at tricycle
- Aminado mang nahirapan sa mga unang taon ng kanyang paninilbihan abroad, hindi niya ito sinukuan
- Ang nakamamangha pa sa kanya, sa kabila ng gastos niya sa pagpapatapos ng kanyang bahay ay nagagawa pa rin niyang mag-ipon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakakabilib ang kwento ng tagumpay ng overseas Filipino worker na si Vanessa Piana Paidomama na walang sinayang na sandali upang makamit ang pinapangarap na kaginhawahan sa kanyang pamilya.
Nalaman ng KAMI na sa loob lamang ng ilang taong paninilbihan sa Saudi bilang caregiver ay kahanga-hanga na ang dami ng kanyang naipundar.
Bukod sa lupain, pinapatapos na rin niya ang kanyang bahay kung saan halos kalahating milyon na ang kanyang nagagastos.
Mayroon din umano siyang motorsiklo para sa sevice ng kanyang mga anak pagpasok noon sa paaralan at tricycle pampasada para na rin dagdag kita nila sa araw-araw.
Bumili rin ng mga alagang baka at kalabaw na siya ring ipangnenegosyo niya.
Ang nakakabilib pa kay Vanessa sa kabila kasi ng kanyang gastusin sa pagpapagawa ng bahay ay may naitatabi pa ring pera si Vanessa para sa kanyang ipon. Nakapagpundar din siya ng mga alahas na masasabing maganda ring investment.
"Kahit nagpapagawa ako ng bahay paunti-unti rin ako nag-iipon para dito para makabili ng alahas dahil sa isip ko, wala man akong pera pag-uwi ko, at least may bahay ako, may tricycle na namamasada at may mga alagang hayop na nanganganak. Pera din yun at may kaunting taniman ng palay na sinangla sa akin," kwento ni Vanessa sa KAMI.
Ang lahat ng ito ay katas ng matinding sakripisyo ni Vanessa sa pagiging OFW. Aminado mang labis na nahirapan lalo na sa umpisa, hindi naman niya ito agad na sinukuan kaya naman madali naman niyang nakita ang bunga ng kanyang pinagsusumikapang makamtan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tulad ni Vanessa, ilan din sa ating mga kababayang OFW ang nagbahagi ng nakaka-inspire nilang kwento na talaga namang kapupulutan ng mahalagang aral.
Isa na rito ang kababayan natin na nasa Saudi Arabia na palalaguin na lamang ang naipundar na travel ang tours business upang hindi na muling manilbihan sa ibang bansa.
Gayundin ang isang single mother na OFW na nakapagpatayo na ng gusali kung saan naroon na ang kanyang tirahan maging ang kanyang mga negosyo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh