Single mom na OFW, may sariling travel and tours business na sa loob lang ng dalawang taon

Single mom na OFW, may sariling travel and tours business na sa loob lang ng dalawang taon

- Kahanga-hanga ang isang OFW na nakapagpundar na ng sarili niyang negosyo sa loob lamang ng dalawang taon

- Masasabing malaking bagay na mabuti ang kanyang amo kaya naman nakaipon agad siya ng kanyang pang-negosyo

- Pangpito man sa 13 na magkakapatid, siya ang tumatayong breadwinner ng pamilya kaya naisipa niyang mag-abroad

- At dahil sa may naipundar na siyang travel and tours business, balak na niyang makabalik sa bansa sa susunod na taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang diskarte sa buhay ng overseas Filipino worker na si Jocelyn Yultila dahil sa loob lamang ng dalawang taon na pagiging kasambahay sa Saudi Arabia ay nakapagpundar na siya ng sarili niyang travel and tours business.

Pangpito sa 13 magkakapatid si Jocelyn ngunit siya ang breadwinner ng kanilang pamilya.

Nabiyayaan siya ng isang anak subalit sa kasamaang palad, iniwan sila ng ama nito.

Read also

Sorbetero na naka-long sleeves at necktie sa pagtitinda, hinangaan ng marami

Single mom na OFW, may sariling travel and tours business na sa loob lang ng dalawang taon
Sa loob lamang ng dalawang taon, nakapagpundar ng sarili niyang travel and tours business Photo from Jocelyn Yultilia
Source: UGC

Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit ninais na lamang ni Jocelyn na mangibang bansa.

Subalit sa kanyang sipag at determinasyon, agad na nagbunga ang kanyang mga sakripisyo.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na naibahagi niya mismo sa KAMI:

"Ako po si Jocelyn Yultila, 33 years old. Isa po akong katulong sa Riyadh, Saudi Arabia for 2 years.

Isa akong single mom, panganay sa 13 na mag kakapatid at ako ang bread winner. May isa akong anak, 7 years old lalaki nag aaral po siya.

Barangay treasurer ako dati sa Pinas. Naisipan ko pong mag-abroad dahil kulang sa pangaraw-araw na panganagailangan angsahod ko at sana makalimot rin dahil iniwan ako ng partner ko at nagpakasal sa iba.

My nai-pundar po akong bagong travel and tours na business pero bago palang po. Pinag-aaralan ko pa ng mabuti.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

Vingo Regino, emosyonal na inalala ang yumaong kapatid na si April Boy

Lahat ng sahod ko ay napupunta sa pag aaral ng anak ko at sa pag aaral ng nakababata kong kapatid.

Mabait naman ang amo ko dito. Ang epekto ng pandemic sa akin ay ang feeling na mag-isa ka lang, dahil sa Pinas sama sama ang mga pamilya ko samantalang ako, nag-iisa lang sa Saudi.

Ang na-realize ko ngayong pandemic ay hindi pala kailangan lumayo sa mga mahal sa buhay. Mahirap ng malayo bawat oras nangungulila sa pamilya. Mas gusto ko na lang sa Pinas kasama anak ko. Plano ko nang umuwi sa 2021.

Wish ko sana ngayong pasko ay mapatayuan ko ng bahay ang aking pamilya."

Single mom na OFW, may sariling travel and tours business na sa loob lang ng dalawang taon
Bukod sa pagiging single mom, breadwinner din si Jocelyn ng 13 niyang mga kapatid. Photo from Jocelyn Yultilia
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, ilang OFW din ang nagbahagi ng kwento sa KAMI na kinapulutan talaga ng araw ng mga netizens.

Isa na rito ang ang kababayan sa Saudi mayroong napakabuting amo na ipinamili siya ng mga grocery items at iba pa niyang mga pangangailangan.

Read also

Misis, kinasuhan ang mister na 'nakitulog' sa babae isang linggo matapos ikasal

Mayroon din naman na kahit aminadong maliit ang kita sa abroad ay nakapagpatayo pa rin ng sarili niyang bahay at nakabili ng sarili niyang lupa na katas pa rin ng pagsasakripisyo niya na mawalay sa kanyang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica