Vingo Regino, emosyonal na inalala ang yumaong kapatid na si April Boy

Vingo Regino, emosyonal na inalala ang yumaong kapatid na si April Boy

- Sa kanyang Facebook live, naglabas ng saloobin Si Vingo Regino tungkol sa yumaong kapatid na si April Boy Regino

- Inalala nito ang masasayang sandali nila ng kanyang 'Kuya Pril' kaya naman labis pa rin daw umano siyang nagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ng kapatid

- Inamin din niya ang minsan nilang naging sigalot ngunit nang sila naman ay nagkaayos, binalak pa sana nilang magkaroon ng show subalit hindi na ito matutuloy

- Matatandaang si Vingo ang isa sa mga unang nagkumpirma sa social media na pumanaw na ang sikat na novelty singer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng Facebook live, ibinuhos ni Vingo Regino ang kanyang saloobin sa biglaang pagpanaw ng kanyang kapatid na si April Boy Regino.

Nalaman ng KAMI na nasa Amerika ngayon si Vingo kaya naman nagpaabot din siya ng pakikiramay sa pamilya ng kanyang kapatid sa naturang video.

Read also

Tekla, naluha nang muling magbigay ng mensahe kay Michelle Bana-ag tungkol kay Baby Angelo

Hindi napigilan ng kapatid ni April Boy na maluha habang ikinikwento ang masasayang ala-ala niya sa kanyang kuya.

Vingo Regino, emosyonal na inalala ang yumaong kapatid na si April Boy; "'Di ako maka-move-on"
Photo from Idol April Boy Regino
Source: Facebook

Panay din ang papuri niya rito na bukod sa pagiging isang mahusay na mag-aawit ay magaling din itong sumulat kanilang awitin.

Mula man sila sa iisang singing group, aminado si Vingo na pinakamagaling sa kanilang tatlo ang kanyang Kuya Pril gayundin si Jimmy.

Aminado rin si Vingo na tila napabuti na rin ang paglisan sa kanila sa grupo ni April Boy dahil doon daw siya natutong gumawa ng sariling mga awitin.

Halos hindi raw makapaniwala si Vingo na wala na ang kanyang kuya. Nagkaroon man daw sila ng di pagkakaunawaan, nagkabati naman sila at nagbalak pa raw silang magkaroon ng show sa Amerika.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Subalit isa iyon sa pinaghihinagpis ng kapatid dahil hindi na nila ito maisasakatuparan.

Read also

April Boy Regino, pumanaw na ayon sa kapatid na si Vingo Regino

Mayroon ding nakausap si Vingo na isa nilang malapit na kaibigang nagkwento sa kanila na nakita pa nito ang kanyang Kuya April na malakas pa ilang araw bago ito pumanaw. Doon napagtanto ni Vingo ang kahalagahan ng bawat minuto ng buhay.

Nagpapasalamat naman siya nagkaayos silang magkapatid taong 2015. Nagkapatawaran sila at pinangaralan pa siya nito at sa tuwing maaalala niya ito, lagi talaga siyang nagiging emosyonal.

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si April Boy ay bahagi ng singing group nilang magkakapatid ng April Boys. Kasama niya rito sina Jimmy at Vingo na gumawa ng pangalan noong dekada 90.

Ilan sa mga sikat na awitin ni April Boy ay “Paano ang Puso Ko,” “Umiiyak na Puso” at “Ye Ye Vonnel" at "'Di ko kayang tanggapin."

Read also

Misis, kinasuhan ang mister na 'nakitulog' sa babae isang linggo matapos ikasal

Pumanaw si April Boy noong Nobyembre 29 dala ng komplikasyon nito sa sakit na diabetes.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel