Misis, kinasuhan ang mister na 'nakitulog' sa babae isang linggo matapos ikasal

Misis, kinasuhan ang mister na 'nakitulog' sa babae isang linggo matapos ikasal

- Desidido na ang misis na kasuhan ang mister na nagmamatigas at hindi na siya talaga binalikan matapos nitong makahanap na ng iba

- Ang masaklap pa sa nangyari, isang linggo pa lamang silang ikinakasal noong Marso ay nakitulog na agad ang mister sa "katrabaho" nito na bago na pala niyang kinakasama

- Sa una'y itinatanggi rin ng sinasabing babae ang relasyon ngunit nakapaglabas ng sapat na ebidensya ang misis na hindi na nga maitatanggi pa ang dalawa

- Dahil hindi na kinakitaan ng pagsisisi o paghingi manlang ng tawad ang lalaki, tinuluyan na siyang kasuhan ng misis na labis na naghihinagpis sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Itinuloy na ni Mona Pilapil, ang misis na dumulog programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ang kaso laban sa mister niyang kung kailan ikinasal ay saka pa nakuhang mambabae.

Construction worker na napagkamalang magnanakaw at nabaril, nailibing na

Nalaman ng KAMI na isang linggo lamang ang nakalipas mula nang ikinasal sina Mona at mister nitong si Benjie Pilapil ay agad na "nakitulog" ang lalaki sa bahay ng sinasabing ibang babae nito.

Nagpaalam si Benjie na tutuloy na muna sa isang katrabaho dahil sa mahirap ang pampublikong sasakyan noon dala ng enhanced community quarantine nang mga panahon na iyon.

Misis, kinasuhan na ang mister na sumama na agad sa kabit isang linggo matapos ikasal

Natulungan ni Raffy Tulfo na makasuhan ang mister na isang linggo lamang mula nang ikasal ay "natulog" na sa bahay ng kabit. Photo: Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Pumayag si Mona sa pag-aakalang katrabaho lang ang tinutuluyan ng asawa. Kalaunan, nalaman ni Mona na bagaman at katrabaho nga naman talaga ni Benjie ang tinuluyan, iyon na pala ang kanyang ibang babae.

Sa umpisa'y itinatanggi pa ng dalawa lalo na ng babae ang relasyon subalit nakapangalap ng sapat na ebidensya si Mona na nagpapatunay ng koneksyon ng dalawa.

Sinubukan pa ni Mona na isalba ang kanilang relasyon subalit tulayan na raw nagbago ang kanyang mister.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nag-viral na taho vendor na pasan ang anak sa paglalako, may food cart business na

Labis na naghihinagpis at naghihinanakit si Mona dahil sa loob daw ng anim na taon, noon lamang siyang natiis ng kanyang mister.

"Hindi po siya ganyan sa loob ng anim na taon, kung kailan kinasal na na kami, nagka-ganoon na po siya," umiiyak na sinabi ng misis sa tindi ng sama ng loob.

Ang matindi pa sa nangyari, ni hindi manlang humingi ng kapatawaran ang lalaki sa kanyang nagawa kaya mas lalong nabuo ang loob ni Mona na kasuhan ang dalawa.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya sa pagiging "Hari ng public service" sa programa niyang Wanted sa Radyo.

Sa ngayon, mayroon pa siyang dalawang programa sa TV5 ang 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'.

Biyuda ng napagkamalang magnanakaw ng pulis, idinetalye ang pangyayari sa RTIA

Sa naunang episode ng kaso na ito na inaksyunan ni Tulfo, makikita ang labis na pagkamuhi ni Mona sa mister na maging ang mga kamag-anak daw nito ay siya pa ang nagagawang sisihin kung bakit nagawa ito ni Benjie sa kanya.

Hindi nalalayo ang kwentong ito sa naunang ulat ng KAMI kung saan nagawang magpakasal ng lalaki sa ibang babae at tuluyan nang iwan ang nobyang OFW na 10 taon niyang kinasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel