OFW, grabe ang hagulhol nang magpakasal sa iba ang nobyong kinasama niya ng 10 taon

OFW, grabe ang hagulhol nang magpakasal sa iba ang nobyong kinasama niya ng 10 taon

- Sobrang sama ng loob ng isang OFW nang malaman niyang ipinagpalit siya ng kanyang nobyo sa ibang babae na nakilala lamang nito kamakailan

- Sa tindi ng hinanakit, di naiwasan ng OFW na singilin ang lalaki sa mga naibigay niyang pera rito

- Pinagkakatiwalaan niya kasi ito sa allowance ng pamilya niyang kasama rin ng lalaki sa tirahan

- At dahil sa ang lalaki raw ang nagloko, nais sana ng OFW na paalisin din ang lalaki sa kanilang tirahan subalit hindi naman pala sila ang may-ari nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Grabe ang pag-iyak at paghagulhol ng overseas Filipino worker na si Jessa Mirabueno sa tindi ng sama ng loob sa dati niyang nobyo na si Wilberto Atienza na nagpakasal na sa iba.

Nalaman ng KAMI na sampung taon na palang nagsama sina Jessa at Wilberto subalit nito lamang Nobyembre 22 ay nagpakasal na ito sa babaeng kakikilala lamang niya, ilang buwan lang ang nakalilipas.

Read also

Misis, kinasuhan ang mister na 'nakitulog' sa babae isang linggo matapos ikasal

Dala ng matinding sama ng loob dumulog si Jessa sa programa ni Raffy Tulfo para masingil umano ang natitira pa niyang pera sa dating nobyo.

OFW, grabe ang hagulhol nang magpakasal sa iba ang kinasama niya ng 10 taon
Humingi ng saklolo kay Raffy Tulfo ang OFW na nagawang ipagpalit ng kanyang nobyong 10 taon niyang nakasama Photo: Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Naikwento ni Jessa sa 'Wanted sa Radyo' ni Tulfo na nagbibigay umano siya ng allowance kay Wilberto dahil kasama nito sa tirahan ang ilan niyang kamag-anak dito sa Pilipinas.

Isa sa huli niyang naibigay dito ay ang pampagawa sana ng hagdan ng tinitirhan nila Wilberto dahil minsan na raw nahulog ang pamangkin niya rito.

Subalit ang isasauli lamang daw ng lalaki ay ang sinasabing natitirang perang allowance mula talaga kay Jessa.

Sa tindi rin ng hinanakit, nais na sana ni Jessa na paalisin si Wilberto sa kanilang tinitirahan dahil ito naman daw ang nagloko.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit nagmatigas ang lalaki lalo na at hindi naman kina Jessa ang tirahan na tinutukoy nito.

Read also

Lola ni Jake Zyrus, naglabas ng saloobin at humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

Ang malala, tila sinisi pa ni Wilberto si Jessa kung bakit siya nagloko at ito'y dahil daw sa ugali nito.

Madalas na raw sila kasing nag-aaway at nakapagbibitaw daw ito ng masasakit na salita.

Katwiran naman ni Jessa, dala lamang ito ng pagod, stress, at problemang ibinibigay daw ni Wilberto sa kanya.

Dadalhin sa barangay sa ang kanilang kaso upang magkaroon ng maayos na kasulatan at kasunduan tungkol na lamang sa ibabalik na pera ni Wilberto sa dating nobya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya sa pagiging "Hari ng public service" sa programa niyang Wanted sa Radyo.

Sa ngayon, mayroon pa siyang dalawang programa sa TV5 ang 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'.

Read also

PWD na nag-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, umani ng papuri mula sa netizens

Kamakailan, isa ring babae ang dumulog sa programa ni Tulfo dahil tinakasan siya umano ng kanyang groom, isang araw bago ang kanila sanang kasal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel