Nag-viral na taho vendor na pasan ang anak sa paglalako, may food cart business na

Nag-viral na taho vendor na pasan ang anak sa paglalako, may food cart business na

- Nabigyan ng sariling food cart business ang nag-viral na taho vendor na pasan sa likod ang anak sa paglalako

- Isang nagmalasakit na netizen ang nakakita sa mag-ama kaya naman naisipan nitong ihingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang dalawa

- Maging si Tulfo ay humanga sa kasipagan ng taho vendor gayundin ang pag-aaruga nito sa anak na nagagawa niyang isama sa paghahanapbuhay

- Bukod sa food cart business, nabigyan din ng groceries ang mag-ama at tulong pinansyal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naibigay na sa nag-viral na taho vendor na pasan ang anak sa paglalako na si Richard Paclibare ang food cart na naipangako sa kanya ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na pinuntahan ng staff ni Tulfo si Richard at anak nito upang makita ang kanilang kalagayan at upang ihatid na rin ang mga biyayang ipagkakaloob sa kanila ng tinaguriang 'hari ng public service.'

Read also

Construction worker na napagkamalang magnanakaw at nabaril, nailibing na

Kwento ni Richard, 16 pa lamang nang siya ay magsimulang maglako ng taho. Ito na ang kanyang ikinabubuhay sa loob ng 14 na taon.

Nag-viral na taho vendor na pasan ang anak sa paglalako, may food cart business na
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

At ngayong siya ay mayroon nang supling, ang pagtataho pa rin ang pinantutustos niya sa anak.

Iniwan na umano siya ng ina ng kanilang anak na madalas na raw noong magreklamo umano sa estado ng kanilang panunuhay. Mayroon na raw itong ibang pamilya sa ngayon.

Kaya naman si Richard na lamang at ang kanyang anak ang namumuhay na magkasama.

"Mahal na mahal ko po ang anak ko, anumang laban sa buhay, siya po ang nagbibigay sa akin ng lakas," emosyonal na pahayag ni Richard.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Wala naman itong pagsidlan ng kasiyahan nang ipagkaloob na sa kanya ang food cart business ng mga fishball, kikiam at iba pa.

Read also

Nag-viral na basahan vendor na hirap maglakad, may sari-sari store na mula sa RTIA

Bukod dito, naghandog din si Tulfo ng groceries kasama na ang mga pangunahing pangangailangan ng kanyang baby tulad ng diaper at gatas. Binigyan din sila ng P5,000 na tulong pinansyal.

Naluha sa sobrang saya si Richard na saobra-sobra ang pasasalamat kay Tulfo. Pinasalamatan din niya ang netizen na si Jam Perry Branch na siyang naging daan upang matulungan ni Tulfo ang mag-ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Isa rin sa mga natulungan niya ay ang nag-viral na basahan vendor na kahit nagkaroon ng mild stroke ay patuloy pa rin sa paglalako.

Read also

Anak, nakapiling at nakahawak-kamay ang inang may COVID-19 ilang oras bago ito pumanaw

Maging ang isang lola na nangangalakal na biktima umano ng hit and run ay natulungan din ni Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica