Lola na biktima ng 'hit-and-run', kinupkop at inalagaan ng mabuting kapatid

Lola na biktima ng 'hit-and-run', kinupkop at inalagaan ng mabuting kapatid

- Marami ang humanga sa kwento ng magkapatid na sina Ludy Aurellana at kapatid nitong si Arcely na nabiktima ng hit-and-run

- Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo si Ludy para sa maayos na pagpapagamot ng kanyang kapatid na hindi na halos makalakad dahil sa natamo buhat sa pagkakabangga sa kanya ng lalaking naka-motorsiklo

- Laking pasasalamat ni Arcely sa kanyang nakababatang kapatid na kahit may sarili nang pamilya ay hindi nagdalawang isip na siya ay kupkupin at alagaan nang siya ay maaksidente

- Naipatingin na rin sa doktor si Arcely sa tulong ni Tulfo at nagpapagaling na ito kasama ng kanyang napakabuting kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang pagmamalasakit ng kapatid na si Ludy Aurellana sa kanyang ate na si Arcely nang mabiktima ito ng hit-and-run sa Lucena City.

Nalaman ng KAMI na humingi ng tulong kay Raffy Tulfo si Ludy dahil sa hindi pa rin nahuhuli ang naka-motorsiklong nakabangga sa kanyang kapatid.

Read also

Raffy Tulfo, ipinasilip ang ipinatatayong 4 storey house at rest house

Bukod pa rito, sa albularyo lamang nila napatingnan ang kalagayan ng kapatid na si Arcely dahil wala raw silang sapat na pera upang madala ito sa doktor.

Lola na biktima ng 'hit-and-run', kinupkop at inalagaan ng mabuting kapatid
Photo: Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Halos hindi na kasi makalakad ang matanda sa baling natamo sa kanyang binti. Nakararamdam pa rin siya ng pagkirot kaya naman mas madalas na lamang siyang nakahiga.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, matiyaga pa rin siyang inaalagaan ng kanyang kapatid na si Ludy kahit may sarili na itong pamilya.

Labis naman itong ipinagpapasalamat ni Arcely lalo na at aminado siyang may katigasan ang ulo niya minsan at hindi nakikinig sa nakababatang kapatid ngunit ito pa rin ang nag-aalaga sa kanya ngayon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

'"Yung iba diyan pinababayaan na lang ang kanilang kapatid. Ito hindi e, hindi ako pinabayaan nito, kahit ako'y nagkakasala sa kanya," naiiyak na nasambit ni Arcely.

Read also

OFW na 12 taon sa Saudi, piniling manatili sa Pilipinas para magnegosyo

Samantala, maging ang nagmalasakit na netizen na si Shiloah Matala ay pinasalamatan din ni Arcely. Si Shiloah kasi ang nagpost sa social media upang sana'y makonsensya ang nakabangga kay Arcely at kusa na itong magpunta sa pulisya.

Dahil din sa kanyang viral post, may mga nagpaabot ng tulong para kay Lola Arcely dala ng matinding awa sa kanyang sinapit.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang"Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'.

Kamakailan ay natulungan ni Tulfo na makasuhan ang mister na isang linggo pa lang mula nang ikasal ay 'nakitulog' na agad sa kanyang babae.

Read also

Convo ng ninang at kumare nitong "namamasko" para sa kanyang anak, viral

Hindi rin nalalayo rito ang isa pa niyang natulungang OFW kung saan iba ang pinakasalan ng nobyo kahit sampung taon na silang may relasyon ngnagreklamong ex-girlfriend.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel