Nag-viral na basahan vendor na hirap maglakad, may sari-sari store na mula sa RTIA
- Napatayuan na ng sari-sari store ang nag-viral na basahan vendor ng Pasig City mula sa "Raffy Tulfo in Action"
- Ito ay matapos na makapanayam ni Tulfo ang dating naglalako ng basahan sa dami ng nag-tag sa kanilang programa
- Bukod sa sari-sari store, dinala rin sa espesyalista ang dating vendor upang mabigyan ng nararapat na gamot para sa tuluyan niyang paggaling
- Tinupad din ng kanyang "Idol Raffy" ang simpleng hiling nito na bagong sapatos dahil ipinakita nitong butas na ang ginagamit na sapataos sa paglalako niya noon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Natulungan na ni Raffy Tulfo ang nag-viral na basahan vendor na si Armando Marcelo na namataan ng isang netizen na hirap maglakad habang nagtitinda sa Pasig City.
Nalaman ng KAMI na si Armando ay na-mild stroke noong 2017 at mula noon ay hirap na siyang maglakad at igalaw ang ilang bahagi ng katawan ngunit nakuha pa rin niyang maglako.
Sinadya pa ng staff ni Tulfo ang tahanan ng dating vendor sa Rizal upang makita ang kalagayan nito at ipina-check up na rin siya sa doktor upang mabigyan ng tamang gamot upang tuluyan na siyang gumaling.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Tinupad na rin ni Tulfo ang munting hiling ni Tatay Armando na magkaroon ng bagong sapatos lalo na at ipinakita nitong napudpod na umano ang kanyang ginagamit noong siya'y naglalako pa.
Ngayong may sarili na siyang sari-sari store at bigasan, hindi na kailangang maglakad pa muli para maglako ng basahan ni Tatay Armando.
Labis-labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang "Idol Raffy" dahil sa mga naibigay nito sa kanya.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Isa si Tulfo sa mga tumugon upang matulungan si Armando Marcelo matapos mag-viral ang video nito na kuha ng isang nagmalasakit na netizen habang hirap itong naglalakad at naglalako ng basahan.
Bukod kay Tulfo, sinadya rin ng vlogger na si "The Hungry Syrian Wanderer" si Tatay Armando at binigyan siya ng mga groceries at tulong pinansyal.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh