Vlogger, natagpuan na ang viral basahan vendor na kanyang hinahanap para matulungan

Vlogger, natagpuan na ang viral basahan vendor na kanyang hinahanap para matulungan

- Natagpuan na ni Basel Manadil ang lolo na basahan vendor na kanyang hinahanap para matulungan

- Sinadya pa niya ito sa Pasig City para personal na abutan ng tulong subalit nabigo siya sa unang pagkakataon

- Ngunit dahil sa marami ang nakapanood ng kanyang video kung saan naaksidente pa siya noong araw na iyon, mayroon nang nakapagturo sa kanya ng kinaroroonan ng lolo na nagtitinda ng basahan

- Hindi naiwasang maging emosyonal ng lolo nang iabot pa ni Basel ang pampuhunan niya sa sari-sari store upang hindi na ito maglako pa ng basahan sa Pasig City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa wakas ay nagkita na ang vlogger na si Basel Manadil ang ang nag-viral na lolo na nagtitinda ng basahan sa Pasig City.

Nalaman ng KAMI na isang netizen ang kumuha ng video ni Amado Marcelo, ang lolo na naglalako ng basahan sa Pasig City at hinihinalang may Pakinson's disease dahil sa panginginig ng ilang bahagi ng kanyang katawan.

Mabait na vlogger, pinatawad ang matanda na nakabangga ng kanyang kotse

Paglilinaw ni Lolo Amado, mild stroke lamang daw ang kanyang karamdaman. Hindi na nga lang siya nakakainom ng kanyang gamot dala ng hirap ng buhay lalo na kung hindi siya masyadong nakakabenta ng basahan.

Vlogger, natagpuan na ang viral basahan vendor na kanyang hinahanap para matulungan

Photo from The Hungry Syrian Wanderer
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, ibinili siya ni Basel ng mga gamot na tatagal ng ilang buwan.

Bukod pa rito, binigyan din niya ito ng ilang groceries at ang surpresa pa nito sa lolo ay ang pampuhunan nito upang hindi na siya maglako pa ng basahan sa Pasig.

Sa Taytay pala kasi nakatira si Lolo Amado kaya naman hindi ito agad na natagpuan ni Basel sa unang pagkakataon na sinubukan niyang hanapin ito.

Hindi naiwasan ng matanda na maluha sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanya ng mabait na vlogger.

Maging sa mga netizens ay taos-puso ring nagpasalamat si Lolo Amado dahil kung hindi siya nag-viral, hindi siya matutunton ni Basel para matulungan.

Lalaki, ipina-Tulfo ang naging kasintahan na 'di pala babae' at pinerahan lang daw siya

Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Kamakailan ay naaksidente si Basel sa paghahanap kay lolo Amado sa Pasig City. Nang malaman niyang isang lolo rin ang nagmamaneho ng sasakyang nakabangga sa kanyang kotse, pinatawad na lamang niya ito at sinabing siya na ang bahala sa pagpapagawa ng kanyang sasakyan.

Isa rin si Basel sa mga vlogger na namahagi ng relief goods sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulyesses sa Cagayan, Isabela, Rizal at sa Marikina.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel