Pedicab driver na kasa-kasama pa ang anak na PWD, natulungan ng RTIA

Pedicab driver na kasa-kasama pa ang anak na PWD, natulungan ng RTIA

- Natulungan ni Raffy Tulfo ang isang pedicab driver sa Maynila na walang maayos na tirahan at kasa-kasama pa ang anak na epileptic

- Walong buwan na silang hindi nakakauwi sa Cavite bunsod ng pandemya at wala rin umano siyang magiging trabaho roon

- Bago lumaganap ang COVID-19 sa bansa ay maayos pa siyang nakapagsusustento sa kanyang pamilya subalit lalong naghikahos nang maging madalang ang pasahero na ang karamihan pa sana sa mga ito ay mula sa malapit na unibersidad

- Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng pedicab driver na dininig ni Tulfo ang kanyang hiling at makakasama na rin niya ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mapalad ang pedicab driver na si Roberto Paulino dahil sa natulungan siya ng programang Raffy Tulfo in Action matapos na siya ay humingi ng saklolo rito.

Read also

Nag-viral na basahan vendor na hirap maglakad, may sari-sari store na mula sa RTIA

Nalaman ng KAMI na kasama pa ni Roberto ang anak na may epilepsy sa kanyang pamamasada sa Maynila at wala pa silang maayos na tinutuluyang bahay.

Mas lalong naging mahirap ang kanilang kalagayan nang pumutok ang pandemya kung saan dahil sa marami ang nawalan ng trabaho, wala rin ang mga estudyante sa malapit na unibersidad na madalas niyang nagiging pasahero.

Pedicab driver na kasa-kasama pa ang anak na PWD, natulungan ng RTIA
Photo from @raffytulfoinaction
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At dahil kasama pa niya ang anak niyang PWD, kinakailangan pa nito ang maintenance na mga gamot upang hindi ito sumpungin ng nakababahalang sakit.

Dahil dito, isang kaibigan niya ang nagmalasakit na magpadala ng video ni Roberto kay Tulfo.

Hiling kasi ni Roberto na makauwi na lamang sa kanyang pamilya sa Cavite kung saan naroon ang kanyang misis at pito pang anak na kanyang itinataguyod.

Tinupad naman ito ni Tulfo at binigyan na rin sila ng sari-sari store upang may pagkakitaan ang kanilang pamilya at hindi na mamroblema si Roberto lalo na sa mga gamot ng anak na tinatayang nasa isang daang piso sa isang araw ang halaga.

Read also

Nasawing PAL flight attendant nabiktima umano ng set-up; 3 suspek, nahuli na

Labis na nagpapasalamat si Roberto sa pagtugon ni Tulfo sa kanyang panawagan at nangakong payayabungin nila ang munting negosyong ipinagkaloob sa kanila ng tinaguriang "hari ng public service."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Bukod sa 'Wanted sa Radyo', pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Isa sa mga natulungan ni Tulfo ang pamilya ng mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio na napaslang ng kanilang kapitbahay na pulis na si Jonel Nuezca.

Nangako si Tulfo na tututok sa kaso hangga't sa makamit ng mag-ina ang hustisya sa walang-awang pamamaslang sa kanila ng pulis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica