Video ng madamdaming libing ng mag-inang Gregorio, ibinahagi ng RTIA

Video ng madamdaming libing ng mag-inang Gregorio, ibinahagi ng RTIA

- Ibinahagi ng Raffy Tulfo in Action ang video na kuha sa paghahatid sa huling hantungan sa mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio

- Dinagsa ng mga nakiramay ang libing ng mag-ina noong Disyembre 27, isang linggo matapos na sila'y mapaslang ng kapitbahay na pulis na si Jonel Nuezca

- Kitang-kita ang poot at sakit na nararamdaman ng mga kaibigan at kaanak ng mag-ina na kanilang naulila

- Lalo na ang mga anak na naulila ni Sonia na tila hindi matanggap ang biglaang pagkawala ng ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos isang linggo mula nang maihatid sa huling hantungan ang mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio ay ibinahagi ng Raffy Tulfo in Action ang mga naging kaganapan sa kanilang libing.

Nalaman ng KAMI na sinagot na ni Raffy Tulfo ang gastos sa pagpapalibing sa mag-ina bilang bahagi ng marami pa nitong naitulong sa pamilya Gregorio.

Read also

Vendor ng mani, napaiyak matapos matangay ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan

Sa video, makikita ang dagsa ng tao na nakiramay sa mag-inang napaslang ng kapitbahay nilang pulis na si Jonel Nuezca.

Video ng madamdaming libing ng mag-inang Gregorio, ibinahagi ng RTIA
Photo from @raffytulfoinaction
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kitang-kita ang hinagpis at sakit na nararamdaman ng mga naiwan nina Sonia at Frank na tila ba'y hindi makapaniwalang wala na ang dalawa.

Lalo na ang mga anak pa ni Sonia na naulila nito na hindi napigilan ang labis na pagluha sa pagkamatay ng kanilang "mama."

Ang isa pa nga sa mga anak nito panay ang sambit na "buhay si mama" at "kailangan ko si mama" habang yakap naman niya ang kanyang ama.

Samantala, bago matapos ang video, ipinakita rin ang mga ka-pulisan na sumisigaw ng "hustisya para kay Frank Anthony at Sonia."

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi ng Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video

Disyembre 20 nang maganap ang karumaldumal na pagpatay ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio sa harap mismo ng kanilang tahanan sa Paniqui, Tarlac.

Nagpaputok umano ng boga si Frank na siyang dahilan para sumugod ang kapitbahay nitong si Nuezca para komprontahin sila.

Nagkainitan ang magkabilang panig na humantong sa pamamaril ng pulis kay Sonia na noo'y yakap na ang anak na si Frank.

Isa si Tulfo sa nangakong tututok sa kasong ito upang makamit ang hustisya para sa mag-inang Gregorio.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica