Nasawing PAL flight attendant nabiktima umano ng set-up; 3 suspek, nahuli na

Nasawing PAL flight attendant nabiktima umano ng set-up; 3 suspek, nahuli na

- Nahuli na ang tatlong suspek sa pagkamatay ng isang Philippine Airline flight attendant na natagpuang walang buhay noong Enero 1

- Base sa imbestigasyon, biktima ng set-up ang flight attendant ng nasa sampung katao

- Pinaniniwalaan ding pinainom ng ipinagbabawal na gamot ang biktima na natagpuang walang malay at may mga pasa at sugat sa katawan

- Nasa kamay na ng pulisya ang tatlo sa mga suspek na sasampahan na ng kaso habang pinaghahanap pa ang pito sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala nang buhay nang dalhin sa Makati Medical Center ang 23-anyos na flight attendant ng Philippine Airlines na si Christine Dacera.

Nalaman ng KAMI na biktima ito ng set-up ng mga taong kilala umano niya na umupa ng dalawang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati.

Sa inisyal na imbestigasyon, isa sa kanyang mga kasama na kapwa cabin crew na si Rommel Galida ang nakakita pa sa biktima sa bath tub na tila natutulog lamang. Nakuha pa raw niyang kumutan ang biktima at siya'y natulog muli.

Read also

Pedicab driver na kasa-kasama pa ang anak na PWD, natulungan ng RTIA

Nasawing PAL flight attendant, biktima ng set-up; 3 suspek, nahuli na
Photo from @xtinedacera
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit nang makita muli nila ito ng mga kasama niyang sina Gregorio Angelo Rafael de Guzman, at John Dela Serna, hindi na raw nagising at wala nang malay si Dacerna.

Samantala, sa pag-usad ng imbestigasyon, napag-alamang hindi inasahan ng biktima na marami silang magpa-party nang araw na iyon.

Lumabas din na tila napainom si Dacera ng ipinagbabawal na gamot bago ito napagsamantalahan.

Hawak na ng pulisya ang tatlong suspek at sasampahan na ang mga ito ng kaso habang pinaghahanap pa ang pito sa kanilang mga kasamahan.

Narito ang kabuuan ng ulat mula sa QRT GMA News:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bago matapos ang taong 2020, labis na bumagabag sa publiko ang pamamaslang na nagawa ng pulis na si Jonel Nuezca sa kanyang mga kapitbahay na sina Sonia Gregorio at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Read also

Russu Laurente at Crismar Menchavez, umaming naki-#YesToAbsCbnShutdown

Sa mismong araw din ng Bagong Taon nitong Enero 1, isang 60-anyos sa Davao ang masayang nagdiriwang sa gitna ng kalsada nang mahagip siya ng humaharurot na motorsiklo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica