60-anyos na sumasayaw sa gitna ng kalsada, nasawi matapos mahagip ng motorsiklo

60-anyos na sumasayaw sa gitna ng kalsada, nasawi matapos mahagip ng motorsiklo

- Patay ang 60-anyos na nakunan ng video na sumasayaw sa gitna kalsada sa Davao City

- Nagkakaroon ng kasiyahan ang ilang mga tao sa may kalsada na nakunan pa umano ng video

- Nasawi rin ang nagmamaneho ng humaharurot na motor sa lakas ng tama nito sa lalaki

- Napag-alaman pa sa imbestigasyon na walang helmet ang rider na sakay ng motorsiklo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malagim na trahedya ang sinapit ng 60-anyos na si Raol Mandaget matapos na siyang mahagip ng minamanehong motorsiklo ni Joviemar Caybot noong Bagong Taon.

Nalaman ng KAMI na nakunan pa umano ng video ang pagsasayaw ni Mandaget sa gitna ng kalsada sa Davao City.

Ayon pa sa ABS-CBN News, nagkakasiyahan ang ilang mga tao sa kalsada bilang pagsalubong sa bagong taon.

60-anyos na sumasayaw sa gitna ng kalsada, nasawi matapos mahagip ng motorsiklo
Photo: Screengrab from We are next in Line YouTube
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Nag-viral na babaeng sinigawan pa ang nabundol niyang naka-bike, mas nag-sorry pa sa saksi

Makikita rin sa viral video na hindi lamang si Mandaget ang sumasayaw sa gitna ng kalsada ngunit ito ang nahagip ng humaharurot na motor ng 21-anyos na si Caybot.

Ayon pa sa Abante, napakabilis ng pangyayari na sa ilang segundo lamang ay nawala si Mandaget sa pwesto niya kung saan siya sumasayaw. Iyon pala'y nahagip at nakaladkad na ni Caybot na patay din sa naturang insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis sa highway ng Barangay Calinan Proper kung saan naganap ang aksidente, wala pa umanong helmet ang nasawing nagmamaneho ng motor.

Magsilbing babala ito sa publiko na maging ma-ingat sa anumang oras at pagkakataon upang hindi matulad sa naganap na aksidenteng ito na maari pa naman sanang maiwasan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isa ring insidente ang naganap sa may kahabaan ng Commonwealth Ave. Quezon City kung saan isang bus ang nagliyab matapos na ang isa nilang pasahero na may dalang gas ay nakaalitan ang kundoktora nito.

Read also

Pasahero ng bus na lumiyab, isinalaysay ang kanyang nasaksihan

Nakatakas ang ilang pasahero subalit nasawi ang sinilabang konduktora. Isa ito sa mga unang trahedyang naganap sa pagbubukas ng taon.

Hiling pa naman sana ng marami na maging positibo sa pagbubukas ng 2021 bilang pagbangon sa mga di magagandang naganap noong 2020.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica