Nag-viral na babaeng sinigawan pa ang nabundol niyang naka-bike, mas nag-sorry pa sa saksi

Nag-viral na babaeng sinigawan pa ang nabundol niyang naka-bike, mas nag-sorry pa sa saksi

- Kinumusta ng programa ni Raffy Tulfo ang lalaki sa nag-viral na video kung saan nagawa pa umanong sigawan ng babae ang nabundol niyang naka-bisikleta

- Agad naman daw na tumupad ang nakabangga sa mga babayaran nito sa nabundol niya maging ang cellphone ng saksi na nasira nito

- Subalit hindi manlang daw nakuhang mag-sorry ng babae sa kanyang nabangga ngunit napatawad naman na raw ito ng kanyang biktima

- Mas humihingi pa ito ng paumanhin sa saksi na kumuha ng video dahil sa nasira niya ang cellphone nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dinalaw ng staff ni Raffy Tulfo si Manuelito Suplido, ang lalaking naka-bisikleta sa viral video kung saan matapos niyang mahulog sa bisikleta at nagawa pa siyang sigaw-sigawan di umano ng nakabundol sa kanyang si Athena Aphrodite.

Nalaman ng KAMI na agad namang tumupad si Athena sa naging usapan nila sa 'Idol in Action' kung saan binayaran niya ang naging abala kay Manuelito na hindi agad nakapagtrabaho dahil sa nangyari.

Read also

60-anyos na sumasayaw sa gitna ng kalsada, nasawi matapos mahagip ng motorsiklo

Agad daw nagpunta si Athena sa lugar ni Manuelito upang ibigay ang perang napag-usapan at may pinapirmahan daw ito sa kanya bilang patunay na nagkabayaran na sila kasama na rin ang ilang larawan.

Nag-viral na babaeng sinigawan pa ang nabundol niyang naka-bike, mas nag-sorry pa sa saksi
Photo from @raffytulfoinaction
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang saksi at nakakuha ng video na si Francis Sucayre ay nabayaran na rin ni Athena. Panay pa raw ang paghingi nito ng paumanhin kay Francis dahil nabasag umano ang cellphone nito nang mahablot ito ni Athena upang mabura ang video.

Ngunit sa kabila ng pagso-sorry ni Athena sa saksi, hindi naman daw ito nag-sorry sa mismong nabundol niya.

Gayunpaman, napatawad naman na raw siya Manuelito at wala na rin daw itong balak na kasuhan pa ang nakabundol sa kanya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jelai Andres, ibinahagi ang dinanas na hirap nang tamaan ng COVID-19

Nobyembre 2020 nang kumalat ang video na naibahagi ni Francis Sucayre kung saan nakita kung paano masigawan ng nakabundol na si Athena Aphrodite ang lalaking nakabisikleta na si Manuelito Suplido.

Dahil sa nag-viral ang video, nakarating ito sa programa ni Raffy Tulfo at si Francis na rin mismo ang nagreklamo kay Athena dahil sa nasira nito ang kanyang cellphone.

Mabilis naman ang naging aksyon ni Tulfo na kilala bilang "hari ng public service" sa kanyang programang 'Wanted sa Radyo' at 'Idol in Action.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel