Jelai Andres, ibinahagi ang dinanas na hirap nang tamaan ng COVID-19

Jelai Andres, ibinahagi ang dinanas na hirap nang tamaan ng COVID-19

- Ibinahagi ni Jelai Andres ang ilan sa mga nangyari sa kanya sa nagdaang taon

- Inamin ng YouTuber na ngayon ay isa na ring aktres ang tungkol sa pagkakaroon niya ng COVID

- Hindi niya napigilang maiyak dahil sa pangamba para sa kaligtasan niya at ng mga kasamahan niya sa bahay

- Kaya naman, malaki ang kanyang pasasalamat na nalagpasan niya lahat ng suliranin na kinaharap niya noong 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Trending sa YouTube ang video na ibinahagi ni Jelai Andres kung saan binalikan niya at ibinahagi ang ilan sa mga pinagdaanan niya sa taong 2020.

Isa sa inamin niya ay ang pagpositibo niya sa COVID-19. Maging ang lahat ng kanyanag kasama sa bahay ay nahawa maging ang pamangkin niya.

Matapos maisagawa ang contact tracing, napag-alamang nakuha niya umano iyon mula sa kanyang pinsan na isang front liner.

Read also

Bea Benedicto, ibinahagi ang dahilan ng pagkakalagas ng buhok

Jelai Andres, ibinahagi ang dinanas na hirap nang tamaan ng COVID-19
Photo from Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Nakaranas siya ng matinding sintomas at nangamba para sa kanyang kalusugan. Naisipan niya nang magpadala sa ospital dahil sa kanyang naranasang mga sintomas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado si Jelai na mas naging malalim ang pagkakaibigan nila ng dating asawang si Jon Gutierrez. Hindi na umano siya nagagalit dito kumpara noong mga panahong sariwa pa ang naramdaman niyang sakit sa nangyari sa kanila.

Isa din sa binalikan ng aktres ay ang dalawang beses na pagkamatay ng kanyang alagang aso na kanyang iniyakan ng todo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakilala ang magkasintahan dahil sa kanilang videos na nagviral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Read also

Nag-viral na babaeng sinigawan pa ang nabundol niyang naka-bike, mas nag-sorry pa sa saksi

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

Matatandaang, kinakiligan ng kanilang fans ang Valentines Day date nila noong nakaraang taon matapos ang kanilang paghihiwalay.

Hindi tumigil si Jon sa panunuyo sa asawa para mapatawad siya umano nito at maibalik ang dati nilang pagsasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel