"Mission Harana" ni Jon Gutierrez, pinakilig ang JoLai fans

"Mission Harana" ni Jon Gutierrez, pinakilig ang JoLai fans

- Muling sinubukan ni Jon Gutierrez na suyuin ang kanyang asawang si Jelai Andres

- Nauna na niyang ibinahagi ang isang video kung paano niya pinaghirapan ang pagkuha ng mangga na gustong kainin ni Jelai

- Gayunpaman, nabigo ang mga tagahanga nila na makita ang reaksiyon ni Jelai sa panghaharanang ginawa ni Jon

- Matatandaang nagkahiwalay ang dalawa ilang buwan pa lamang matapos ikasal dahil sa isyu ng third party

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang nakakakilig na video ni Jon Gutierrez na nagpakita kung paano niya sinubukang suyuin ang asawa, muling sumubok ang rapper na ligawan si Jelai.

Kasama ang kanyang tatlong kaibigan, hinarana ni Jon si Jelai. Kinanta niya ang awiting Sorry na ng bandang Parokya ni Edgar.

Gayunpaman, hindi si Jelai ang lumabas kundi ang pamangkin nito. Sinabi niyang nasa taping si Jelai. Pinagbilin na lamang ni Jon ang kanyang regalo para kay Jelai.

Hindi din niya kinalimutan ang alaga nilang asong na mi-miss niya na umano. Bago umalis ay niyakap ni Jon ang kanilang asong si Gucci.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng kanilang mga tagahanga na umaasang muling magkakabalikan ang dalawa.

Boi. Masasabi ko Lang. I know la Naman ata tong bilang, be patient. We know naging vulgar Ang issue niyo ni ate jelai. Be patient men. Mula dun sa mangga. Hanggang dito sa panghaharana mo. Be patient, be patienteven if she rejects you. Be patient even if she ignores you. Be patient if she's silent. Be patient until she acknowledges ur efforts. Be more patient if she starts to accepts. Be more patient if she recognizes your efforts. Be patient until her family opens up to you. Be patient until she decides you two should talk. Be patient and understanding pag nagkausap na kayo. In the end ikaw Ang nagkasala boi. And whatever her decision is, kahit na Hindi man pabor sayo (Sana pabor), accept. Coz it's you trying to win her heart again. Good luck boi.
its nice to see u are really trying to win her back. good job. i hope u wont break the trust again that u are building. i hope and cant wait to see you together again .bcos i believe in marriage it is a sacred thing with God. Godbless u bro. tuloy mo lang yan
Tingin ko anjan c miloves..pinasabi lang na nasa taping..diba guys iba talaga kapag lumang traditions like harana style..go lang kua jon!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging kontrobersiyal ang paghihiwalay ng mag-asawa dahil sa mga rebelasyon ni Jelai Andres tungkol sa diumano'y panloloko ng kanyang asawa.

Unang nakilala ang dalawa bilang JoLai. Marami ang naaliw sa kanilang mga videos na ibinabahagi sa social media. Si Jon ay miyembro ng grupong Ex-Battalion habang si Jelai naman ay napapanood sa GMA network.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel